Chapter Forty Two [Part One]

15 0 0
                                    


Sammy's POV


"Ang tagal naman ni Mika. Hindi pa ba napipirmahan yung clearance natin? Halos dalawang oras na tayong naghihintay ah?" reklamo ni Adri.


Nakaupo kami ngayon sa isa sa mga vacant seats dito sa ground floor ng building namin habang hinihintay namin marelease yung clearance at COGs namin. Class mayors lang kasi ang pwedeng lumakad nung clearance at COGs kada section so wala talaga kaming ibang gagawin kundi ang mahintay lang. Ang problema, sa dami ng sections per year level eh matatagalan talaga. Idagdag pang first come first serve ang basis at priority ang mga graduating students.


"Ano ka ba Adri, syempre hindi lang naman tayo ang estudyante dito noh. Madami din. Tsaka ilang section ba meron ang seniors? Diba madami din?" sabi naman sa kanya ni Luke.


Kahit ako din naman medyo naiinip na. kaya lang, wala talaga kaming magagawa kundi ang maghintay lang. That's all we can do right now.


"Gusto nyo kain muna tayo? Punta muna tayong cafe?" aya naman samin ni Justin.


"Ayoko pang kumain. Busog pa ko. Kung gusto nyo, kayo nalang. Hihintayin ko nalang kayo dito." sagot ko naman.


"Ay? Sabagay, hindi parin naman ako gutom. Mamaya nalang siguro. After nating makuha yung clearance at COG." segunda sakin ni Adri na tinanguan lang nung dalawa.


Sakto namang pagbaba ng hagdan ni Mika. Hawak na din nya yung mga clearance at COGs namin.


"Finally! Thank you Lord!" Adri said in relieved.


"Guys, sorry kung matagal. Pero ito na! Hawak ko na yung pinaghirapan nating lahat ng limang buwan! Sa room 5 tayo." hinging paumanhin ni Mika samin tsaka na sya nauna sa loob ng room.


Pagpasok namin sa room 5 ay agad kaming umayos ng upo.


"So guys, dating gawi tayo ah? Alphabetical order ang pagpapamigay ko ng clearance at COGs. Walang tatayo hangga't di ko tinatawag yung pangalan. Please guys cooperate. Para narin maaga tayong makauwi. Alam kong gusto nyo na ding makauwi." anunsyo ni Mika na agad naman naming sinunod.


Respect begets respect eh.


At dahil nga alphabetical order, dulo na naman ako. Well, what's new?


Saming apat, si Luke ang una, sumaunod si Adri tapos si Justin and then ako na. Kahit naman nung high school ako, huli padin ako. 


Naunang nakuha ni Luke yung kanya. At syempre, hindi naman mawawala sa magkakaibigan yung tinginan ng grades. Mula elementary hanggang college. Nakasanayan na eh.


"Luke anong GWA mo?" agad na tanong ni Justin.


Well, nagpapataasan lang naman sila ng grade. Parang mga bata.


"Dos." tipid na sagot nito.

Regrets of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon