Chapter Seventy Four

7 1 0
                                    


Sammy's POV


I parked my car in front of SW. May general meeting kami ngayon. 2 years ago ay napagpasyahan naming itayo ang SW. Resto-bar sya and si Tyrone ang madalas  na  tumao dito since sya naman ang mas may knowledge pagdating sa mga ganitong bagay. Medyo  late na ako kaya naman nagmamadali na akong naglakad.


Hindi ko na din pinansin pa ang mga bati sakin ng mga empleyado.


Kaagad akong umakyat sa  third  floor ng SW which is pinaka office nitong resto-bar.


Kaagad na nagkatinginan kami ni Allen.


"Nasaan sila?" Kaagad na tanong ko kay Tyrone. Tatatlo lang kami dito ngayon.


"Sila Casey at Marco, nagpacheck up, sila Mike and Nikki on-duty pa. Kaye is on the way here. And Ren and Joshua are also on the way. Sinundo pa kasi nila si Iris. Pasensya na.'' he said apologetically.


I heaved a huge sigh before I take a seat.


"Sir Ty,  may nagrereklamo po sa baba at gusto daw po kayong makausap." maya-maya'y pasok ng isang waitress.


"Maiwan ko muna kayo, kailangan ako sa baba." huling sabi nito bago ito tumalikod at umalis.


A W K W A R D !


Kaming dalawa nalang ni Allen dito at magkaharap pa kami so ang awkward talaga.


"What's between you and the guy you were with two nights ago?" maya-maya ay tanong nya sakin na nakapagpakunot ng noo ko.


"Who are you and why are you even asking me that question?" pagbabalik ko ng tanong sa kanya.


"Just answer my question."


"Why? What for? Wala ka ng pakialam kung sino man ang samahan ko." asik ko sa kanya.


Nag-aakusang tinignan naman nya ko sa mga mata.


"Ganun ba talaga kadali para sayo ang palitan ako ha?" tanong nito sakin na agad kong hindi nagustuhan.


"Watch your word, Allen. Ikaw ang nagpalit at nang-iwan, hindi ako."


"Akala mo ba talaga madali para sakin na hiwalayan ka? Nasasaktan din ako, Sam. Nahihirapan din ako at ang sakit makita na ang dali para sayo ang magpalit." puno ng hinanakit na saad nya.


Napaismid ako.


"Nasasaktan ka? Nahihirapan ka? Bakit hindi mo itanong sakin kung nasasaktan at nahihirapan din ba ako? Tandaan mong mas mahal kita kaysa sa pagmamahal na meron ka sakin kaya kung nasasaktan at nahihirapan ka sa nangyayari, mas higit na nararamdaman ko yun! I was willing to hold on. Kaya ko pa magpakatanga para sayo. Pero ikaw ang bumitaw, ang tumalikod. Tapos ngayon aakusahan mo ako na para bang ikaw ang biktima?!" galit na galit na sabi ko at hindi ko na napigilan pa ang maiyak.

Regrets of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon