Adri's POV
"Janna pano yung sa stat. na gagawin? Medyo Malabo kasi kanina yung paliwanag ni sir eh, hindi ko naintindihan." Tanong ko habang naglalakad kaming apat palabas na.
"Madali lang yun, bukas ko nalang ituturo sayo. Next week pa naman yun eh." Sagot nya naman.
"Psst! Sungit!" mula sa pagkakalingon nya sakin ay nabaling si Janna ng tingin sa nasa harap namin.
Agad kong sinundan ng tingin si Janna.
Agad na nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko kung sino ang tumawag kay Janna. Nakatayo sila ilang hakbang mula sa kinatatayuan naming apat.
At.. at.. sila ang .. waaaaaaaaaah! Silang ang mga member ng F5 ng Westridge High na super crush na crush ko! Kyaaaaaaaaaaaaaaah! Pero syempre mas crush ko parin si Allen noh! Pero sssh lang kayo kay Luke ah? Baka kasi magselos! HAHAHA.. wag kayong mag-alala, hanggang crush lang naman ako kay Allen. Well, ano bang laban ko sa isang Janna Samantha Piamonte Villamayor?
"Kilala mo sila? OMG! Sila yung F5 ng Westridge diba?" agad na tanong ko kay Janna na tinanguan lang naman ako.
Magsasalita pa sana ko nang biglang magsalita si Joshua. Nakalapit na pala silang apat samin.
"Uwian nyo na ba sungit?" agad na tanong nya. I think he's pertaining to Janna.
Alangan namang ako ang tinatanong nya diba? HAHAHA.. tsaka di kaya ako masungit!
"Yup. Why?" kaagad din namang tugin ni Janna rito.
"Wala lang. Namiss ka lang naming asarin. Tara labas muna tayo." Aya naman kay Janna ni Micheal.
Itong isa din na 'to ang gwapo! Shemsss!
"Janna ipakilala mo naman ako sa kanila dali!" bulong ko na dahil mukhang walang balak itong babaeng na 'to na ipakilala ko sa apat na naggagwapuhang lalaki sa harap ko!
"Ay oo nga pala, guys.. mga kaklase at kaibigan ko, si Luke, Justin and Adri. And, sila naman yung mga kaibigan ko nung High school. Si Michael, Tyrone, Marco and Joshua." Pagpapakilala nya.. Agad naman akong nagpabebe wave! Hahaha.. kung #AlDub fan ka, alam mo yan!
"Hello sa inyo! Adri Montes pala.. nice meeting you! Pwedeng papicture?" agad na sabi ko.. aba! Chance na kaya!
"Adri!" sabay na saway nila Luke at Justin sakin.
Pssh! Ang eepal talaga! Moment na to oh! Jusko! Wala na muna dapat kiyeme!
"Bakit ba?" sagot ko tsaka na lang ulit ngumiti ng matamis kila Joshua. "Okay lang ba?"tanong ko ulit.
"Uhmm.. okay lang naman.." si Tyrone na ang sumagot.
And OMG! Pumayag sya! So yeah! Picture naaaaa!
"Kyaah! Janna, papicture naman kami. Thank you." Sabi ko tsaka na inabot sakanya yung phone ko at pumwesto na sa gitna nung apat..
Kay Luke sana ko magpapapicture kaso baka lalong magalit eh! Sabihin pa nun mamaya nang-iinis talaga ko.
Napapailing namang kinuha sakin ni Janna yung phone ko para nga picturan kami.
"Okay.. one.. two.. three.. smile!"
"Yan.. thank you! Thank you talaga!" I said after that shot. Ngiti lang naman ang sinagot nung apat sa kanya.
Gusto ko pa sana magpapicture ng isa eh. Yung wacky naman.. kaso iba na yung tingin sakin ni Luke eh.. nararamdaman ko, away 'to mamaya! Hahaha..
BINABASA MO ANG
Regrets of Yesterday
Novela JuvenilThis story shows how Samantha regrets her decision she made.................................................................................what is it? it's for not telling what she really feel for someone she really love. Tunghayan ang masaya, maku...