Sammy's POV
Maaga kong pumasok ngayon para makausap ko si Justin. Sana lang nandito na sya.
Pagpasok ko sa room namin ay saktong nakita ko si Justin na nakaupo at mukhang malalim ang iniisip.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.
"Ahmm.. J-Justin.." tawag ko na nagpalingon sa kanya sakin.
"J-Janna! Ang aga mo atang pumasok? O-okay ka na ba?" agad na tanong nya sakin. Bahagya pa syang nagulat. Siguro dahil akala nya ay galit nga talaga ko sa kanya.
Umupo ako sa tabi nya.
"Pwede ba kitang makausap?" sabi ko imbes na sagutin sya.
"T-tungkol saan?"
"Tungkol sa nangyari nung nakaraang araw at tsaka kahapon.." medyo mahinang sabi ko pero sapat naman upang marinig nya.
"N-ngayon na?" tanong nya ulit.
Tumango lang naman ako.
"Ahmm.. first of all, I would like to say I'm sorry. Sorry for what I've acted that time. I-I didn't know how to react. Sorry kung nasayang yung lahat ng ginawa mo at inexert mong effort nun." Pagsisimula ko.
"Wala yun. Okay lang. I understand. Pero Janna, g-galit ka ba sakin? Sa ginawa ko?" medyo nag-aalangan pang tanong nya.
Umiling ako.
"Why would I? Pero siguro medyo nainis? Hindi ko alam. Alam mo kasi, nung ginawa mo yun, may naalala ko.. ginawa din nya sakin yun.. he was the first whom did that to me. At bumalik lahat nung ginawa mo yun. Yung lungkot, yung sakit.. mga emosyong matagal ko ng pinipilit kalimutan at sana hindi ko na maramdaman. Okay na sana ko eh. Pero yun.."
"Sorry.. I didn't mean to—"
"No. you don't have to. You're not at fault so don't say sorry. Alam ko namang di mo alam."
"But still I'm sorry.."
"No. Ako nga dapat eh. Tsaka, thank you nga pala kasi.. no matter how much I push you away, no matter how mean I am when it comes to you, and no matter how much I'm hard to handle.. nandyan ka parin. Ang tyaga mo." Bahagya kaming natawa pareho sa huling sinabi ko.
"Diba nga sabi ko di kita iiwan? Na nandito ko lagi para sayo? At never akong magsasawang intindihin ka." Napangiti ako sa sinabi nya.
"Hindi pa ba nagbabago yung tingin mo sakin? I mean, dapat hindi mo na ko gusto sa lahat ng ginawa ko sayo."
"Alam mo Janna, kahit na ilang beses mo pa kong ipagtulakan, sungitan at barahin.. hinding-hindi nun mababago na gusto kita. Dahil nung nagustuhan kita, kasama kong nagustuhan yung ganung ugali mo. I love you.. even your flaws.."
"T-thank you.." sagot ko nalang.
"Thank you palang.. pero I know, right time will come, yung thank you na yan, magiging I love you din yan. So ano okay na tayo? Hindi ka talaga galit sakin?"
"Hindi nga. Okay naman tayo eh.."
"Tayo? Okay tayo? As in, together?" sabi nya tsaka sya ngumiti sakin ng nakakaloko.
"Alam mo kalokohan na yang sinasabi mo.. tara, samahan mo nalang ako." Sabi ko tsaka na tumayo.
"Saan?" tanong nya tsaka tumayo nadin.
BINABASA MO ANG
Regrets of Yesterday
Teen FictionThis story shows how Samantha regrets her decision she made.................................................................................what is it? it's for not telling what she really feel for someone she really love. Tunghayan ang masaya, maku...