Sammy's POV
"Janna, kumusta na pala si Allen? Hindi parin ba sya nagigising?" tanong sakin ni Adri.
Kasalukuyan kaming nagrereview para sa Finals namin sa Marketing dito cafeteria.
"Oo nga pala, kumusta na sya Janna?" segunda naman ni Luke.
Si Justin naman ay nanatiling tahimik at nakafocus ang buong atensyon sa pagrereview.
"Okay naman. Kaya lang, hindi parin sya nagkakamalay eh." matamlay kong tugon.
"Hala? Eh diba hanggang ngayong araw lang yung binigay nung doktor bago sya madeclare na in coma?" may bakas ng pag-aalala ang himig ni Adri.
"Wag naman sana. We're still positive na magkakamalay na sya ngayong araw."
"Basta Janna, nandito lang kami ah?" paalala sakin ni Luke. Hindi ko alam kung ano ang ibig nyang sabihin pero tumango nalang ako.
"Ay, Janna pupunta ka ba ngayon dun?" biglang tanong ni Adri pagkaraan.
I nodded.
"Why?"
"Ah, pwede ba kaming dumalaw?" alanganing tanong nya.
I felt Justin stiff. Sa reaksyong palang nyang 'yon.. alam ko na ang ibig nyang sabihin. Ayaw nya. Hindi sya kumportable na pinag-uusapan si Allen.
"Ah, tingin ko, mas okay kung wag nalang. Nandyan naman si Janna eh. Iaupdate naman nya tayo kung anong mangyayari." tila nakaramdam ding sabi ni Luke.
"Ganun? Sabagay. Tsaka may exam pa nga pala tayo bukas sa accounting." malungkot na pahayag naman ni Adri.
"Janna, paano nga ulit yung gagawin dito? Anong method nga ulit yun?" Justin said out of the blue. Kanina pa kasi sya tahimik. Ngayon lang ulit sya nagsalita.
"Diba naturo ko na sayo 'to kanina? Alam mo na 'to eh."
"Eh nakalimutan ko kasi." pagdadahilan nya.
Alam ko naman na sinusubukan lang nyang idivert yung atensyon ko. But nonetheless, itinuro ko parin sa kanya.
I also gave him some problem samples which he gladly answered. See? Alam nya.
Lately, ganyan yung way nya para maglambing o kaya naman para makuha nya yung atensyon ko. Nagsimula yan nung sinabi ko sa kanya na nagpupunta ka sa ospital at dinadalaw ko si Allen. He said it's fine with him. Hindi naman sya mukhang galit nung sinabi ko yun. Pero hindi ko talaga pinaalam sa kanya na dun ako nagpapalipas ng gabi. Malakas kasi yung kutob ko na dun sya magalit. Ang alam lang nya, padalaw-dalaw lang ako.
BINABASA MO ANG
Regrets of Yesterday
Ficção AdolescenteThis story shows how Samantha regrets her decision she made.................................................................................what is it? it's for not telling what she really feel for someone she really love. Tunghayan ang masaya, maku...