Justin's POV
"Janna, sama ka sakin.. nuod tayong concert!" masayang sabi ni Adri kay Janna na katabi kong kumakain ngayon.
Nandito kami sa cafeteria. Lunch break namin. Isang subject nalang eh uwian na.
"Concert? Kaninong concert? Kelan?" tanong naman ni Janna sa kanya.
"Concert ng Super Junior. Sa next week na 'yun. Wala kasi kong kasama eh so baka pwedeng magpasama?" sagot naman nya tsaka nagpuppy eyes. Tss! Ginagamit na naman nya 'yung pagpapacute nya. Eh hindi naman cute. Mukhang tuta -_-
"Sure." Tipid na sagot sa kanya nitong katabi ko.
"Talaga? Yay!" halatang nasiyahan sya sa sinabi ni Janna. Pero sandali lang yun .. "Pano nga pala yung ticket mo? Wala akong ipanlilibre sayo. Alam mo naman yun Janna diba? Yung ticket ko nga libre lang sakin ni Just eh. Pano mo ko masasamahan?" problemadong sabi nya.
And yes. Tuloy 'yun. Ibibili ko sya ng ticket sa concert ng idol nyang Super Junior. That's a deal.
Nang tuluyang bumaling na si Adri kay Janna ay awtomatikong napalingon din ako dito pero gamit lamang ang mga mata ko.
Nakita kong nginitian muna sya ni Janna bago ito magsalita. "I'll buy my own ticket. Ako nalang ang bahala sa ticket ko."
"Waaaaah! Seryoso? Thank you Janna!" si Adri at napayakap pa kay Janna matapos marinig ang sinabi ng huli.
"Wala 'yun." Huling sagot sa kanya ni Janna bago tuluyang mamagitan ang tahimik sa aming apat.
Pero agad din namang nagsalita si Adri. Kahit kelan talaga di makatiis na di magsalita.
"Just kelan mo pala ibibigay sakin yung ticket? Nakabili ka na ba?" tanong nya sakin pero wala syang nakuhang tugon. Di ko sya pinansin.
But knowing Adri, hindi sya titigil hangga't hindi ko sya pinapansin kaya naman nagsalita sya ulit.
"Just! Just! Woohoo! Justin Anthony Monteverde!" patuloy na pagtawag niya sa pansin ko pero tulad kanina, di ko sya pinansin. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain.
"Hala! Nagtatampo ka ba? Waah! Bibilin mo pa naman yung ticket diba? Just! Eto naman joke lang naman yun eh. Just!" tawag ulit sakin ni Adri tsaka niyugyog ko sa braso dahilan upang lingunin ko na sya. See? Sabi ko sa inyo eh. Hindi talaga sya papayag na di pansinin. She'll do everything, anything just to catch your attention.
"Hindi ako nagtatampo Adri. Manahimik ka nga. Kanina ka pa nag-iingay. Yung ticket bukas ko nalang ibibigay sayo." Tuloy-tuloy kong sabi tsaka tumayo na. Naalala ko na naman yung usapan namin. -_- makaalis na nga lang.
"Saan ka pupunta?" habol na tanong sakin ni Luke pero hindi ko ito pinansin at nagdere-deretso pa din sa paglakad. Isa pa yung bwisit na yun! Akala mo kung anong binigay sa kanya nung Allen.. tss! Nakakainis talaga yung naging usapan naming tatlo.. argh! Pagtulungan daw ba ko? Ako kaya 'tong kaibigan nila! Walang kasupo-suporta! Tss!
**
Pagpasok nilang tatlo sa room ay nakita kong nakatingin sakin si Janna tsaka sunod na napadako ito ng tingin sa tatlong bakanteng upuan sa tabi ko. Agad naman silang lumapit sa nireserve kong upuan para sa kanila at umupo.
Medyo nag-aalangan pa nga sya kung uupo ba sya sa tabi ko o hindi. Akala nya siguro ay iiwasan ko sya. At hindi ko naman sya masisisi. Halos isang lingo na nga mula nung naging malayo ako kay Janna. Di ko na sya sinusundan, kinukulit, di na rin ako nakikipagtalo sa kanya sa kung sino ang maghahatid sa kanya pauwi. Di ko rin sya ganong kinakausap. Kapag mahalaga lang o tungkol sa school tsaka ko lang sya kakausapin.
BINABASA MO ANG
Regrets of Yesterday
Teen FictionThis story shows how Samantha regrets her decision she made.................................................................................what is it? it's for not telling what she really feel for someone she really love. Tunghayan ang masaya, maku...