Sammy's POV
Kasalukuyan akong naglalakad papasok ng building namin. Habang naglalakad ay di ko maiwasang mapatingin sa paligid. Ang tahimik. Wala pang gaanong tao. Anong oras palang ba?
Sinipat ko ng tingin ang relo ko. 06:10 am. Sobrang aga pa pala. Seven am ang first period namin ngayon at ang balak ko sana ay thirty minutes before o quarter ako papasok kaya lang, sinabay na ko ni Lola. -_- Di naman ako makatanggi.
Hays! Anong gagawin ko ng ganitong kaaga? Gusto ko sanang itext si Adri kaso naalala ko, sumasabay nga pala sya kay Luke, so ibig sabihin pag pumasok na sila ngayon di malabong papasok na din si Justin. Ganun silang tatlo eh. Ang lakas ng pakiramdam sa isa't isa.
Malapit na ko sa room namin ng mapatalon at medyo mapasigaw ako sa gulat ng bigla nalang may umakbay sakin.
"Ay Mansanas Patatas!"
"Well, good morning too Janna!" masiglang bati nito sakin kaya naman napalingon ako agad sa nagsalita. At ganun nalang ang gulat ko ng malaman ko kung sino ang nakaakbay sakin ngayon.
"J-Justin.. a-anong ginagawa mo dito?" medyo di makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Ginagawa? Dito din ako nag-aaral diba?" pilosopong sagot nya sakin.
Napairap ako. Ang ayos ng tanong ko eh. -_-
"I know you know what I really mean.." sabi ko tsaka ko tinanggal ang kamay nitong nakaakbay padin sakin.
"Tch. I know you'll do that." He said.
My forehead crease.
"Huh? Ano?" tanong ko ulit.
"Wala. Tara na." he answered before he just bragged me by my arms.
BINABASA MO ANG
Regrets of Yesterday
Teen FictionThis story shows how Samantha regrets her decision she made.................................................................................what is it? it's for not telling what she really feel for someone she really love. Tunghayan ang masaya, maku...