Adrinne's POV
"Good morning guys!" masiglang entrada ni Just pagkapasok na pagkapasok nya sa loob ng assigned room namin. Medyo madami na din kami pero wala pa si Janna. Nagtataka naman namin syang tinignan ni Luke.
"Ang ganda ng gising natin ah? Anyare?" agad na tanong sa kanya ni Luke. Pero hindi niya to pinansin sa halip ay lalo pang ngumiti ng malawak ang loko!
"Hoy Just! Nakadrugs ka ba? Ano? " this time, ako naman ang nagtanong sakanya. Nilingon naman nya ko pagkatapos ay mataman akong tinignan habang humahakbang sya papalapit sakin.
"Adri! Ang ganda mo pala noh Adri?" sabi nya matapos makalapit sakin.
"Hoy! Nakainom ka ba?" tanong ni Luke na agad lumapit samin pero gaya kanina, dinedma lang sya ng loko.
"Just ano ba! Umayos ka nga!" sabi ko tsaka akma sanang lalayo nang pigilan nya ko. Makakatikim 'to ng isa sakin. -_-
"Teka lang Adri. Wag kang malikot. Ngayon ko lang narealized eh, ang ganda mo pala talaga pero.."sabi nya tsaka lalong lumapit sakin.
"Layuan mo nga si Adri, Justin! Ano ka ba? Wag mong sabihing may gusto ka kay Adri" si Luke pagkatapos ay hinila na palayo sakin si Just.
"Pfft! Patawa ka naman Luke eh! Ako magkakagusto kay Adri? Pfft! Sinabi ko lang maganda eh." Sa wakas ay nagawa din nyang sumagot. Pero sana di nalang pala. Pagtawanan daw ba ko? -_-
"Wow! Thank you ah?" note the sarcasm! -_-
"Dapat lang magthank you ka Adri, Monteverde ang nagsabi sayong maganda ka eh! " may pagmamayabang na sabi nya! Wooh! Nakabukas na naman ang aircon nya sa katawan! Ang hangin grabe! "Pero.."sabi nya tsaka ulit lumapit sakin.
"Anon a naman ba? Anong pero? Pero hindi talaga?" sabi ko tsaka ako lumayo sa kanya.
"Hindi. Maganda ka pero mas maganda pala talaga si Janna sayo noh? Pero medyo magkahawig kayo Adri." Sabi nya tsaka ulit ngumiti ng sobrang lawak.
"Hoy! Ang lawak ng ngiti ah? Mahihiya si Mcdonalds sa lapad ng ngiti mo."si Luke habang umiiling-iling pa.
Anong meron ditto sa lokong to? Di kaya..
"Aha! Ano nga palang nangyari kahapon? Di ba hinatid mo si Janna? Anong nangyari?" tanong ko ulit sa kanya.
"Ayun, hinatid ko. Pero dumaan pa pala kami sa isang shop." sagot nya na hindi man lang halosnawalaang ngiti sa labi. Nakadrugs talaga 'to! -__-
"Nagdate kayo? Hoy Justin! Wag mo lang maisama-sama si Janna sa mga kalokohan mo ah?" agad na sabi sa kanya ni Luke.
"Pssh.. hindi noh.. hindi ko gagawin yun kay Janna. Iba si Janna." si Justin pagkatapos ay ngumiti ulit. Pssh! Para na synag tanga talaga!
BINABASA MO ANG
Regrets of Yesterday
Roman pour AdolescentsThis story shows how Samantha regrets her decision she made.................................................................................what is it? it's for not telling what she really feel for someone she really love. Tunghayan ang masaya, maku...