Justin's POV
"Guys, tara labas muna tayo? SB tayo or sa mall? Tambay muna tayo saglit bago umuwi?" kaagad na aya ni Adri matapos makaalis si Mr. Baltazar, ang prof namin sa marketing.
"Oo nga, pag-usapan tuloy natin kung saan tayo mag-ojt. Diba next month na 'yun?" Luke added.
"Tara! Game ako dyan!" agad na pagsang-ayon ko. "Janna?"
"H-huh? Ano, uhm... sorry but I have to go. My mom and dad are expecting me at the meeting. Pasensya na talaga. Mauuna na ko." parang wala sa sariling sagot nito samin tsaka na nagtuloy-tuloy ng lakad papalayo nang hindi man lang nagpaalam ng maayos.
Nang tuluyang makalayo si Janna ay nagkatinginan nalang kaming tatlo nila Luke.
"Justin, nag--away ba kayo ni Janna?" naniningkit na tanong sakin ni Adri. Tignan mo 'tong isang 'to, ako agad ang may kasalanan?
"Hindi 'no." kaagad na depensa ko.
"Eh bakit ganun? Parang lumalayo sya?"
"Alam mo, napapansin ko rin 'yun eh. Lately, parang gusto nya laging mag-isa or palagi syang nauunang umuwi."
Adri and Luke commented respectively.
Sa totoo lang, hindi lang sila 'yung nakakapansin nun. Actually, simula nung bumalik ako from that time off, alam kong may nag-iba eh. Naramdaman kong may nagbago but I chose to just shrugged it off. Akala ko kasi dahil lang 'yun sa tagal ng hindi namin pag-uusap at pagkikita. Pero hindi eh, may iba talaga eh. Kasama ko sya, katabi ko sya pero may kulang. Parang ang lalim palagi ng iniisip nya. Sa tuwng tinatanong ko naman sya kung okay lang ba sya o kung okay ba kami, isa lang naman ang palagi nyang sagot...
"Of course. Ano bang klaseng tanong 'yan?"
Pagkatapos nyan, ngingiti lang sya tapos iibahin nya yung pinag-uusapan namin. Pakiramdam ko na naman inilalayo nya yung sarili nya sakin. Minsan tuloy naiisip ko, tama ba yung ginawa ko? Tama bang humingi ako ng time off?
Alam kong may problema si Janna, I can feel it. At hindi ko hahayaan na pagdaanan at harapin nya yung mag-isa. I have to do something.
"Just! Huy! Saan ka pupunta?" rinig kong tawag sakin ni Adri.
"Dyan lang. Wag nyo na kong hintayin." simpleng sagot ko bago ko ipinagpatuloy ang paglalakad.
Kapag ganitong nahihirapan akong intindihin si Janna, isang tao lang yung nilalapitan ko. Mas kilala nya si Janna kumpara sakin.
Pagdating ko sa building ng CAFA, ay agad ko syang nakita.
"Irene..." kaagad na tawag ko.
"Justin, what brought you here?" nakangiting sabi nya pagkalapit nya sakin, nakasunod naman sa kanya si Joshua.
"Uhm, pwede ka bang makausap?" walang pagpapaligoy-ligoy na sagot ko. Bahagya naman syang natigilan at pagkaraa'y nilingon si Joshua.
"Hon, mauna ka na sa lib, susunod ako okay?" pagpapaalam nito.
"Hindi ako pwedeng sumali sa pag-uusap nyo?" tanong ni Joshua imbes na sumunod.
"No. Sige na, saglit lang 'to. Mauna ka na dun, go." si Irene tsaka ito itinulak na nang marahan. Hindi na naman nagpumilit pa si Joshua. "Doon nalang tayo." turo nya sa bakanteng upuan sa building nila na nagsisilbing student lounge.
"Anong pag-uusapan natin?" kaagad na tanong nito sakin pagkaupo na pagkaupo namin pareho.
"Si Janna."
BINABASA MO ANG
Regrets of Yesterday
Teen FictionThis story shows how Samantha regrets her decision she made.................................................................................what is it? it's for not telling what she really feel for someone she really love. Tunghayan ang masaya, maku...