Chapter Twenty Three

21 1 0
                                    


Adri's POV


"Wow! Janna sigurado ka bang hallway nyo lang 'to? Ang lambot eh!" manghang tanong ko habang papunta na kami ngayon sa 2nd floor ng bahay nila Janna!


After nya kasing pumayag, agad na kaming naglibot, and juice co! Pwedeng dito nalang ako tumira? Ang ganda eh! Ang dami pang pagkain sa ref!


"Hoy Adri! Tumayo ka nga dyan! Nakakahiya ka!" saway naman sakin ni Just ng makitang nyang umupo pa talaga ko para lang damhin ko yung lambot ng carpet nila Janna dito sa hallway! Hmmm! Lambot.. alam nyo yung parang gugustuhin mo ng humiga at matulog dun? Grabe!


"Bakit ba? SI Luke nga di ako sinasaway eh!" pag-angal ko naman.


Si Luke at Janna naman ay naiiling lang na tinginan ako.


Lumakad pa kami ng kaunti hanggang sa tumapat kami sa isang pinto. Pinto palang alam mo ng hindi basta-basta eh. Parang marmol ata 'to eh.


Akala ko papasok kami sa loob pero nagulat ako ng lagpasan lang namin yun. Magtatanong sana ko pero aad na nagsalita si Janna.


"That one is my parent's. We always hang out on that room when we're little. Pwede pa naman din until now, kaya lang, we're so busy and engrossed with our personal matters." She said filling in my question.


Well, naiintindihan ko naman noh. Privacy yun ng parents nila.


Sunod na nadaanan namin yung room ni kuya Dane. Pano ko nalaman? Syempre sinabi ni Janna! Kayo naman! HAHAHA..  gusto ko din sanang i-raid yung kwarto ni kuya Dane kaya lang.. talking 'bout 'PRIVACY' ulit.


Lumakad pa kami ng kaunti hanggang sa huminto si Janna sa tapat ng isang pinto na may nakasabit na name 'SAMMY' which we all assume that her room.


"This one is mine. And that one, it's Yesha's." sabi nya tsaka nya tinuro yung pinto sa kaliwa. And one thing I notice.. Yung kay Yesha din may nakasabit na 'Yeshie' wala lang.. ang cute lang..


Abala ko sa pagtingin sa pinto ng kwarto ni Yesha ng tapikin ako ng marahan ni Luke.


"Tara na." sabi nya.


Tsaka lang ako natauhan. Nakabukas na pala yung room ni Janna. And.. grabe syaaaaaaaaaa! Akala ko pagbukas ng pinto ay agad na bubungad samin yung kama nya, like what a typical room is. Pero hindi.. mukhang sobrang laki nga ng kwarto nya.


Lumakad pa kami hanggang sa marating namin yung talagang kwarto nya. 


"This is my room, my sanctuary." nakangiti pero medyo nahihiyang baling nya samin matapos naming makapasok lahat sa loob.


Sandali kaming natigilang tatlo. Agad na inikot ng tingin ang kabuuan ng kwarto ni Janna. Ang laaaaaaaaaaaaaaaaaaaakiiiiiiiiiiiiiiiiii! Konting laki pa nito, magmumukhang buong bahay na namin eh.

Regrets of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon