Chapter Seventy Six

8 1 0
                                    

Sammy's POV

"Sam, are you okay?" Stella asked me. We are on our way to her unit. Dala ko na ang maletang gagamitin ko para sa paglipad namin bukas.


"Yeah, I am." I briefly replied.


"Nakapagpaalam ka na ba sa family mo?" she asked again after a while.


"Nope. I'll do it once we're at the airport tomorrow. Alam kong pipigilan nila ako." sagot ko.


Kabisado ko sila, hindi nila ko hahayaang gumawa ng rush decisions. So they will do everything they can just to make me stay and make me think about it over again.


Napatingin ako sa labas. Alas-singko palang pero papalubog na ang araw. Unti-unti ng dumudilim. Mukhang pati ang araw nakikiramay sa nararamdaman ko.


Muli akong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Ano na kayang nangyayari dun? Alas-sais ng gabi ang oras ng kasal kaya sigurado akong karamihan ay nasa simbahan na.


Ikakasal na talaga si Allen. Isang oras nalang, tuluyan na syang hindi magiging akin. Sana lang mahalin at alagaan sya ni Ara. Sana maging masaya sya. I can sacrifice my own happiness for him. Kahit hindi na ako, ang mahalaga maging masaya sya kasi deserve nya parin yon.


Muli ay hindi ko napigilan ang luhang umalpas sa mga mata ko. Ang sakit parin. Ang sakit-sakit parin.


"You know what Sam? Hindi tayo pwedeng umalis ng ganyan ka." I heard Stella said as she make a u-turn on the u-turn slot and stepped on the gas more.


Naguguluhang nilingon ko sya.


"Ella? May nakalimutan ka ba? Hindi dito yung way papunta sa unit mo."


"Wala akong nakalimutan, pero ikaw? Meron." simpleng sagot nya habang patuloy parin sa pagmamaneho.


"What do you mean?"


"Sam, kailangan mong magpaalam sa kanila lalo na sa kanya. Sa palagay ko deserve nya naman yon. Deserve nyo magkaroon ng closure."


"Ella, I-I'm okay. Hindi na namin kailangang magkita pa isang oras bago sya ikasal. Sigurado akong abala sila lahat dun." sagot ko na ikinailing nya.


"No, Sam. Kailangan nyo yun. Lalo ka na. Mula ba nung magbreak kayo nakapag-usap ba kayo ng maayos? Nasabi mo man lang ba lahat ng gusto mong sabihin? Sigurado ka bang hindi ka magkakaroon ng regrets? Ibigay mo yun sa sarili mo, yung peace of mind. Para hindi ka lalong mahirapan." she continuously said which made me realized that I never really got a chance to say everything I want to say to him.


Nasabi ko yung mga hinanakit at galit ko sa kanya pero hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kanya. Hindi ko parin naibibigay ng maayos yung blessing ko sa kasal nya. Allen is not that jerk. May mga pagkakataong nasaktan nya ako katulad ng nangyayari ngayon pero mas lamang parin naman yung mga pagkakataong inalagaan, minahal, at pinasaya nya ako.

Regrets of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon