Chapter Thirty Nine [Part Four]

34 1 0
                                    


Irene's POV


"Papasok lang ako sa loob, hahanapin ko si Janna." paalam samin ni Justin at agad na tumayo tsaka na naglakad pabalik sa loob.


Wala sa loob na nagkatinginan kaming magbabarkada. At kung iisa ang nasa isip naming lahat.. malamang sa malamang na magkasama si Sammy at Allen ngayon at kung suswertihin, baka magpang-abot pa si Justin at Allen.


I sighed on that thought. Hindi pwede. Sa totoo lang, kanina pa talaga ko nakakaramdam ng tensyon eh. Hindi ko lang pinapahalata dahil ayokong masira yung gabing 'to. Kaya sana, sana wala namang mangyaring hindi maganda.


"Ah.. sandali lang, babalik lang din ako sa loob. May kukunin lang ako.." maya-maya'y palam naman ni Adri at walang sabi-sabi na naglakad na din pabalik.


"Sundan ko lang si Adri." -Luke


Pagkaalis nung dalawa ay muli kaming nagkatinginan. May nangyayari bang hindi namin alam?


"Anyare? Bakit nag-aalisan sila?" si Casey.


"Iyon ang hindi ko din maintindihan. Try to observe Adri. Parang kanina pa sya tense eh."


"Ay oo. Kanina pa nga. Even Justin. Hmm.." segunda naman sakin ni Kaye


"Tingin nyo may away mamaya?" Tyrone asked.


"Wag naman. This night should be good." Nikki answered.


"Pero sa tingin ko, mamaya magtatalo yung dalawa eh. Kanina pa talaga wala sa mood si Monteverde eh." Marco added.


"Kung mangyayari man yun. Let them be. Away nila yun. And I'm sure it's just a little LQ. Wag na nating pakialaman pa para hindi na lumaki. Let them solve their issue." Joshua said. 


And he's right. Hindi namin dapat pakialaman yun.


"Tsaka guys, pag bumalik sila lahat dito tahimik nalang tayo. Wag na tayong magtanong kung saan sila galing." I suggested which everyone in the group agreed.


Pagkaraan ng ilang minuto ay nakita na naming pabalik na sila Adri. Hindi nila kasama si Sammy. Nasan na ba kasi yung dalawang yun?


"Nahanap nyo si  ate Sammy?" agad na tanong ni Yesha.


"Hindi eh. Wala sya dun." sagot ni Adri pagkaupo nila.


"Nasan kaya yun?" tanong ulit ni Yesha na hindi na nasagot pa.


Wala naman kasi ni isa samin ang may alam kung nasaan sila..


"Habang hinihintay natin sila, magsimula na tayong maglaro. Ano game?" Micheal suggests. Trying to lighten the atmosphere here.


Regrets of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon