Chapter Thirty Nine [Part Five]

24 1 0
                                    


Sammy's POV


I woke up feeling exhausted. Ni hindi ko nga alam kung paano ko nagawang makahiga dito. Ang huling malinaw lang sakin eh nag-iiyak lang ako sa cr ng ilang minuto. And until now, I can still feel the pain in my eyes. Ang pula parin siguro ng mata ko.


Bahagya akong napapitlag nang biglang gumalaw si Irene na katabi ko lang. Akala ko gising na sya, inayos lang pala nya yung pwesto nya. At ngayon ko lang napansin na nakayakap pala sya sakin. Ang clingy talaga ng babaeng 'to kahit kailan!


Tulog pa sila lahat. Medyo madilim pa ang paligid so I assume na maaga pa nga talaga. Maingat kong inabot yung phone ko to check what the time is. 5 am palang pala.  So mga 2 hrs lang ako nakatulog.


Pinilit kong ipikit ang mga mata ko para sana bumalik nalang ulit sa pagtulog kaya lang wala eh.. gising na gising yung diwa ko. Kaya napagpasyahan ko nalang na lumabas.


Agad akong nagpunta sa may swing at doon naupo. Wala pang araw. Makikita ko ang sunrise! 


Napapikit ako nang maramdaman ko ang marahang pagdamp ng malamig na hangin sa balat ko.


I let out a huge sighed. After what happened, hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Should I talk to him? Pero paano kung maulit lang yung kanina? Should I avoid him? I honestly don't know what to do. Natatakot pa ko. 


Alright Sammy, just give him time. Bigyan mo sya ng panahon para makapag-isip din. Hindi ko nalang muna sya kakausapin. Hindi ko pa ata kaya.


"Sam? Anong ginagawa mo dito? Ang aga mo naman atang nagising?" nahinto ako sa pag-iisip nang may magsalita.


At kahit hindi ko idilat ang mga mata ko, alam kong si Allen yun.


"Hindi na ko makatulog eh. Siguro hindi na sanay yung katawan ko dito. Matagal na rin kasi yung huli tayong natulog dito eh. Ikaw? Bakit parang ang aga mo rin atang nagising?" pagsisinungaling ko. 


"Ah.. wala naman.. gusto ko lang makita yung pagsikat ng araw." sagot nya sakin tsaka ko naramdaman na umupo sya sa katabing swing.


"Talaga? Gusto ko ding makita yun eh." sagot ko sa kanya pagkatapos ay natahimik na kaming pareho.


Wala ni isa samin ang nagsalita. Pero nagpapakiramdaman kami.


Nararamdaman kong nakatingin lang sya sakin habang nananatili akong nakapikit.


Maya-maya ay nagsalita ulit si Allen.


"Sam, are you okay?"


"Ha? Oo naman. I'm okay." sagot ko tsaka ako dumilat na.


"You sure? Mukhang hindi ka kasi okay eh." tanong nya ulit habang mataman akong tinitignan.

Regrets of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon