Chapter Twenty Five

16 1 0
                                    

Adri's POV


Saturday feeeeeeeeeels! No classes! No stress! More sleep! Gaaaaaaaaaah!


Kasalukuyan akong nakahiga parin at iniisip kung ano ang gagawin ko after kong tulungan si mama sa mga gawain nya ng biglang magring ang phone ko. Akala ko si Luke kaya agad kong kinuha, si Janna pala.


"Janna.." I said as I picked it up


[Adri? Ahm.. did I wake you up?] Janna said on the other line


"No.. no.. hindi noh.. kanina pa ko gising.."


[Ah ganun ba? Adri, busy ka ba? May gagawin ka ba or lakad?]


"Bakit? Ahm.. wala naman.. tutulungan ko lang si mama ideliver yung mga natahi na nya." sagot ko


[Ah.. ano kasi eh.. pwede bang .. can you meet me up?] may pag-aalinlangang tanong nya.


"Huh? Bakit? May problema ba?"


[W-wala naman.. gusto lang sana kitang makausap. Pero kung busy ka, wag nlang.. okay lang.. ] parang bigla naman akong naguilty. Hay! Parang may gusto syang pag-usapan..


"Hindi.. sige pupunta ko.. nasan ka ba?"


[Talaga? Thank you! Ahm.. nandito ko sa dati.. alam mo na naman yun diba? I'll wait you here.]


"Okay.. papunta na ko." I said then the line went off.


Alas-dyes na pala.. grabe! Ang haba ng tinulog ko, hindi man lang ako ginising ni mama.


Agad akong naligo at nagbihis. Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko pa si mama na inaayos na yung mga idedeliver ko.


"Ma.." tawag ko na nagpalingon sa kanya sakin.


"Oh anak, nakabihis ka? May pupuntahan ka ba?" tanong nya tsaka ipinagpatuloy na ang pag-aayos.


"Ah.. imimeet ko lang po si Janna saglit." pagpapaalam ko


"Ganun ba? Oh sige, ako na ang magdedeliver nito."


"Ma, saglit lang po ako. Pagbalik ko, ako ang maghahatid ng mga yan. Hindi nyo na nga po ako ginising ng maaga eh. Ako na pong bahala dyan." sabi ko na ikinangiti ni mama.


"Salamat anak."


"Ma, alis na po ako para maaga din po akong makauwi." sabi ko tsaka na nagmano kay mama.


"Oh sige anak, mag-iingat ka ha?" pagbibilin ni mama na tinanguan ko na lamang tsaka ako lumakad na paalis.

Regrets of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon