Sammy's POV
Weekend. Cold wind, rough sand, humid air that touches my skin, and on top of that, ang init na nagmumula sa matinding sikat ng araw.
Kung tinatanong nyo kung nasaan ako, nasa beach ako ngayon kasama ang buong barkada for some fund raising event. Kasama si Allen so syempre kasama din ang ahas.
Nakasummer dress ako with matching hat sa ulo. Barefooted but no bare skin. Bilin ng magaling kong boyfriend?
"Bawal ang showtime. Don't show them what's mine."
Mukha nya! Pero wala namang akong magagawa kundi sumunod kaysa pag-awayan namin. Kaya kahit gaano ko kagustong soplahin si Ara sa black swimsuit nya ay hindi ko magawa. Nakakairita, akala mo naman may shape ang katawan. Wag ko lang talaga makita na titingin-tingin si Allen sa babaeng yon at talaga namang maghahalo ang balat sa tinalupan! Igagarapon ko pa silang dalawa tapos lalagyan ko ng chloroform.
Lumapit ako sa mga upuan at naupo. Pinagmasdan ko ang babaeng ahas ay este si Ara pala na abalang-abala sa pagpapahid ng lotion sa balat nya. Pfft. As if namang masisilaw ang bawat taong makakakita sa kanya, ay sabagay.. masisilaw nga pala. Sa kalandian nya.
Dahil mula nung nakilala ko si Ara ay laging nakamode on ang pagiging maldita ko, may biglang pumasok na idea sa utak ko.
Sinilip ko muna si Allen na abala sa pag-aasiste ng mga bisita bago ako lumapit kay Ara.
"Akala ko talaga yung naging classmate ko lang sa London ang retokada... meron din pala dito sa Pinas.." biglang sabi ko tsaka ko sya pinasadahan ng tingin mula ulo mukhang paa, ay este hanggang paa.
Naaasar na tinignan naman nya ako. "Excuse me?!"
"Alam mo dapat magkita kayong dalawa. Para alam nyang may karamay sya. Grand champion ka pa nga!"
"If you're insulting m--" I immediately cut her off.
"Oh my bad. Hindi lang pala katawan ang may retoke sayo. Buong pagkatao." I said then look at her mockingly.
Bago pa man sya makasagot ay narinig na namin si Michael na sumigaw at nag-aayang magfire camp.
Bago umalis ay tinignan ko sya muli at tsaka ako nagsalita.
"Huwag kang masyadong lalapit sa apoy ha? Baka matunaw ka, tandaan mo plastik ka." binigyan ko muna sya ng isang nang-uuyam na ngiti bago ko sya tinalikuran ng hindi ko man lang sya binibigyan ng pagkakataon makasagot.
***
Kung ano ang ikinalamig ng hangin at sya namang ikinainit ng ulo ko. Bakit? Ikaw ba naman makatapat mo ang isang ahas na katabi ng boyfriend mo samantalang ikaw, mag-isa. Ang sarap idikit sa apoy! Kairita!
BINABASA MO ANG
Regrets of Yesterday
Teen FictionThis story shows how Samantha regrets her decision she made.................................................................................what is it? it's for not telling what she really feel for someone she really love. Tunghayan ang masaya, maku...