"Anong gagawin natin Adri?" agad na tanong sakin ni Just.
Ano nga bang dapat naming gawin? Wala akong maisip na pwedeng paraan! Agad kong binalingan si Luke upang humingi ng tulong. Baka sakaling sya may naiisip. But he just shrugged.
Ugh! What to do?! Bakit ba sa dami ng araw, ngayon pa naisipang magpunta ditto ni Janna?
And yes, si Janna nga yung nakita naming tatlo na papasok ng café. Kasama nya sila Joshua. Hays! Paano na?
Habang papalapit sila ay lalo akong nagpapanic. Hindi nya pwedeng malaman yung surprise namin. At hindi rin nya kami pwedeng Makita ditto.
At nakahinga kami pare-pareho ng maluwag nang Makita naming sa malayong lamesa sila naupo. Whew! Pagkakataon na para umalis.
Sinenyasan ko na yung dalawa na mauna na at tsaka ako sumunod pagkatapos.
"Ano? Mauuna na ba tayo sa bahay nila Janna o hihintayin muna natin syang makauwi tsaka tayo pupunta sa kanila?" tanong ni Just pagkalabas namin ng café.
"Hintayin nalang siguro muna natin sya." Sagot ko.
"Pero hindi ba mas magandang mauna nalang tayo sa bahay nila? Kasi kung hihintayin natin si Janna na makaalis pa dito, baka naman mamaya, mapansin nya yung sasakyan ko." Suggest naman ni Luke.
Well, he has a point. Mukhang matandain si Janna eh. So sinunod namin yung sinabi ni Luke. Nauna na kami sa bahay nila Janna.
----------------
Huminto ang sasakyan namin sa tapat ng napakalaking gate na may matataas na bakuran. Sa labas palang ay malalaman mo na agad na malaki at magara ang bahay na naghihintay sayo sa loob. So, this is the Villamayor's Residence. Ang laki!
"Ano pong kailangan nila?" maya-maya'y tanong samin ng isa sa nakabantay nilang guard.
"Ah kuya, si Janna po. Classmates nya po kami." Kaagad namang sagot ko ngunit tila hindi kumbinsido si manong guard. Juice co. mukha ba kong di kapani-paniwala?
"Ah, wala po kasi si Maam Samantha ditto. Hindi pa po sya dumadating." Magalang pa ding sagot nito.
Pano ba 'to?
"Ah—"
"Ah kuya, ako po ito, si Justin po. Alam poi to ni Janna. Ang sabi po nya samin kanina, mauna na daw po kami ditto. Susunod nalang daw po sya." Sabat ni Just dahilan upang matigil ako sa pagsasalita.
"Ay kayo po pala yan sir Justin. Pasensya na at di ko agad kayo nakilala." Maya-maya pa'y sagot nito.
"Wala po yun. So kuya, baka po pwede nyo ng buksan yung gate?" tugon ni Just at tsaka walang ano-ano ay kaagad na binuksan ni manong guard yung gate.
Anyare?
Kaagad kong binalingan si Just.
"Psst! Pano ka nakilala nung guard? Nakapunta ka na ditto?" kunot-noong tanong ko.
"Ah oo. Nung gumawa kami ni Janna ng project."simpleng sagot naman nito sakin.
Magtatanong pa sana ko nang mahagip ng kanang mata ko yung mga bulaklak na nadadaanan namin.
"Wow! Ang ganda!" manghang bulalas ko.
Swear! Ang ganda! Puro roses. Iba-iba pa ng kulay! May red, white, pink, at yellow.
"Nandito na tayo. Eto na talaga yung bahay nila. " sabi ni Just tsaka sya lumabas ng sasakyan. Ganun din naman ang ginawa naming dalawa ni Luke.
BINABASA MO ANG
Regrets of Yesterday
Teen FictionThis story shows how Samantha regrets her decision she made.................................................................................what is it? it's for not telling what she really feel for someone she really love. Tunghayan ang masaya, maku...