A/N: Please kindly play the video. Para mas feel nyo ganoin! Haha.. and yes.. yung girl.. sya si Sammy.. si Yoo In Na! <3 enjooooooooy!
-----------------------
Sammy's POV
"Sorry late ako. Kakatapos lang po kasi ng klase ko." mula sa pagkakaupo ay pareho kaming napatayo ni Dean at humarap sa lalaking kadarating lang.
"It's okay hijo. Hindi ka naman gaanong nalate. Sige na, have a seat ng masimulan ko na yung sasabihin ko sa inyo." sagot sa kanya ni Dean tsaka ito ulit umupo.
Ako? Hindi ko alam. Para kong nakakita ng multo. Ni hindi ko alam kung uupo ba ko o tatakbo palabas. Nakakabingi yung lakas ng tibok ng puso ko.
Mas lalo akong kinabahan ng tumingin sya sakin. Nakangiti sya. Ni hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman sa mga oras na 'to. It's been what? Two years.
"Hi." kaswal nyang bati sakin.
"H-hello." sagot ko tsaka na agad- agad umupo at dumiretso nalang ng tingin kay Dean.
"Okay since nandito na kayo pareho, mag-start na tayo. Alam ko pareho kayong nagtataka kung bakit ko kayo pinatawag. Well, I'm asking the both of you a favor. Yearly kasi ay nagpapadala kami ng dalawang estudyante namin sa isang lugar where they will going to experience the life of others. And this year, kayong dalawa yung napili ko since you were both graduated in Westridge High not mentioning you were both valedictorian and a consistent Dean's Lister."
Wait.. ako.. sya.. kamaing dalawa?! IMPOSIBLE.
"So gusto nyo pong gumawa kami ng isang documentary?" tanong ng taong kaharap ko.
"Exactly hijo. At magagawa nyo lang yun kung maninirahan kayo kasama sila."
"Po?! Mga i-ilang araw po? H-hindi naman po siguro aabutin ng one week?" tanong ko na agad. Please.. one day.. one day is enough to make a documdentary.
"Hija, two weeks."
Sabay kaming napatayo sa narinig namin.
"Two weeks?! May klase po kami Dean." we both said in unison.
"Alam ko. Pero don't worry. I already settled that. So relax. Pupunta kayo sa isang iskwater area. May particular na lugar na kaming nakuha."
Iskwater? Tama ba yung dinig ko? Don't get me wrong pero iskwater? Bangungot ba 'tong nangyayari sakin ngayon? Una itong lalaking kaharap ko, tapos ngayon naman iskwater?!
"Kelan po kami magsisimula?" tanong muli nitong kaharap ko.
"Next week sana." our Dean said which I immediately disagree with.
"Pero di po ako available next week. Defense week po namin yun."
BINABASA MO ANG
Regrets of Yesterday
Teen FictionThis story shows how Samantha regrets her decision she made.................................................................................what is it? it's for not telling what she really feel for someone she really love. Tunghayan ang masaya, maku...