Chapter Sixty Six

7 1 0
                                    


Third Person's POV


"Good morning, Sir!"


"Good morning, Mr. Monteclaro."


"Good morning po."


Kanya-kanyang bati kay Allen ng mga empleyadong nakakasalubong nya mula pa lamang sa entrada ng Piamonte Corp. na agad din naman nyang sinusuklian ng ngiti o kung minsan pa'y pagbati pabalik.


Nakangiti nyang tinahak ang daan papuntang elevator. Sakto namang nag-aabang na doon si Casey.


"Uy, Allen! Ikaw pala 'yan. Anong atin? Anong meron at napadpad ka dito?" masigla ngunit may pagtatakang tanong nito sa kanya.


Hindi kasi sya madalas mapunta sa Piamonte Corp kahit na sa Piamonte Corp nagtatrabaho ang kanyang nobya maliban nalang kung may importante syang pakay o kaya nama'y susunduin nya si Samantha. Mas madalas pa nga syang bumisita sa VMA kung saan ang kuya naman ni Sammy na si Dane ang namamahala.


"Wala naman. Galing kasi akong VMA, since madadaanan naman 'to pabalik ay naisipan ko ng bumaba and pay a visit to my girlfriend." sagot nya matapos nilang makapasok sa loob ng elevator.


"Nandyan na ba si Sam?"


"Ha? Bakit? May pinuntahan ba sya? Anong floor ka?" tanong pabalik ng binata.


"23rd. Hindi, kasi kanina nung dumaan ako sabi ni Feb wala pa si Sam. Hindi pa daw nagrereport."


Sa pagkakataong iyon ay sya naman ang nagtaka. Ibig sabihin hindi pa pumapasok ang kanyang nobya. Hindi nya maiwasang hindi magalala. Ang totoo nyan, kaya nga sya nagpunta ay dahil hindi pa sya nakakarinig ng kahit na ano mula sa dalaga. Ni isang text ay wala. Ang huling usap nila ay kahapon pa ng alas-diyes ng gabi. Maaga itong nagpaalam na matutulog na dahil medyo mabigat daw ang pakiramdam.


"Pero baka naman nandyan na. Baka may pinuntahan lang muna saglit." kaagad na sabi ni Casey nang tumahimik si Allen. Napansin ata nitong nag-aalala sya.


"Paano, una na ako. Ingat ka pabalik." huling sabi nito bago ito nauna ng lumabas.


Leaving Allen in deep thought.


Pagdating nya sa opisina ng nobya ay kaagad syang nakita ng sekretarya nito. Animo'y nakakita ito ng pag-asa.


"Ay sir, saglit lang po." sabi nito ysaka ito mabilis na nagtungo sa loob ng opisina ni Sam.


Paglabas nito ay may bitbit na itong mga papeles.


"Sir, ito po 'yung mga proposal na ipinasa ng finance and marketing department. Kailangan po 'yang  macheck at maaprubahan ni Ms. Villamayor today din po. Hindi po kasi makakagalaw ang lahat hangga't walang approval from her. Pasensya na po sa abala sir. Medyo hectic lang po dito sa opisina. May mga nakaset po kasing meetings ngayon na kailangang icancel or iresched. Karamihan po kasi big investors." tuloy-tuloy na sabi nito dahilan para maguluhan sya.

Regrets of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon