Chapter Eight

20 3 0
                                    

A/N: Yung nakaitalic po flashback hane?


Justin's POV



"Di pa sya nakakamove on.. well, di naman daw nya naging boyfriend yung guy PERO.. minahal nya."



 "Nung una daw para daw talaga silang aso't pusa. Yung kapag magkikita, laging nag-aaway? Lagi daw nilang kinokontra ang isa't isa."



"Until one day, kinailangan nila ang tulong at kooperasyon ng isa't isa dahil kailangan nilang magpanggap."



 "Kinailangan nilang magpretend na nililigawan sya nung guy."



"Kung bakit? Di sinabi sakin ni Janna. Mahabang kwento daw eh. Then iyon, sa araw-araw daw, sila yung laging magkasama. Hatid-sundo din nung guy si Janna. Naging super close daw silang dalawa. Yung dumating na sa point na nakadepende na sila sa isa't isa? Ganun daw."



"Until one day, narealize daw nya na nahulog na pala sa guy na yun. "



"Hmm..  oo.. alam mo bang umiyak sya ulit habang nagkukwento sakin? Mukhang mahirap pa para sa kanya na balikan yung lahat ng nangyari nun."


Ugh! Mula sa pagkakahiga ay napabalikwas ako ng bangon. Naisabunot ko din ang dalawang kamay ko sa buhok ko dala ng frustration. Mula nung sinabi sakin lahat yun ni Adri.. di na yun nawala sa isip ko. At hanggang ngayon para yung sirang plaka na paulit-ulit sa utak ko.


Napaisip tuloy ako.. sana pala di ko nalang kinulit si Adri na sabihin yung nalaman nya tungkol kay Janna para di ako nafrufrustrate ng ganito. Gagastos pa tuloy ako ng pangconcert ni babae.


So tama talaga ko.. di pa sya nakakamove on.. kaya pala.. alam ko na ngayon.. kaya pala nung championship nakita ko syang nanuod.. kaya pala ganun nalang yung ginawa nya kay Allen noon.. kaya pala..


*Flashbacks*


"Okay boys, ganto yan.. depensahan nyo lang ng maigi yung kabilang team.. lalo na si Monteclaro.. pagkatapos makatira man sila o hindi takbo parin tayo pero, wag kayong magmadaling umatake. Tayo ang lamang.  Kung kaya nyong ubusin yung oras, ubusin nyo. Alright?" mabilis na sabi ni coach samin.



Tumingin ako sa oras at score.. last two minutes nalang.. lamang kami ng sampu.konti nalang at mananalo  na kami.



Napatingin naman ako sa kabilang team.. ang Westridge High. Sila ang defending champion. Kami rin yung kalaban nila noon kaya mahalaga talaga para samin na manalo dito .Sunod na nilingon ko si Monteclaro. Ang finals at over-all MVP last year.nakapagtatakang parang wala sya sa focus ngayon. Iba yung laro nya ngayon kumpara sa dati na dapat naming i-take advantage.

Regrets of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon