Chapter Thirty Nine [Part Three]

23 1 0
                                    


Adri's POV


"Wala pa sila ate?" agad na tanong ni Yesha pagkalapit namin sa table na pinareserved nila.


Halos kumpleto na lahat. Nandun na sila Tita Dianne at Tito Art, Yung Mom and Dad ni Allen, sila Cassandra at Marco, Karla at Tyrone at Dominique and Micheal.


"Oh hindi ba't kayo ang magkakasama kanina?" pagbabalik tanong sa kanya ni Tita Dianne.


"Ang akala namin ng Mommy mo kila Justin sasabay." sagot naman ni Tito Art.


"Ah.. tito kasi po si Yesha po ang sumabay samin. Tapos si Janna po kila Irene. Then si kuya Dane po kay Allen na sumabay." ako na ang sumagot.


"Ganun ba? Oh sige na't maupo na kayo." sabi samin ni Tito Art na agad naman naming sinunod.


May siyam na bakante pang upuan. Anim sa kanan, tatlo naman sa kaliwa. At hindi namin malaman kung saan kami uupo.


"Ay Adri dito nalang kayo maupo.. bale magleave lang kayo ng dalawang upuan for Ren and Joshua." sabi smain ni Cassandra. Napansin nya atang di namin malaman kung saan kami pupwesto.


"Ay teka, saan ako?" tanong naman ni Yesha.


"Dito ka nalang Yesh. Tabi ka sakin." sagot naman ni Karla.


"Ha? Ah.. sige na nga." si Yesha tsaka na naupo. At ganun na rin naman ang ginawa namin.


So bale ang naging pwesto na..

Tito Art - Tita Dianne - Vacant Seat - Justin - Ako - Luke - Vacant Seat - Vacant Seat - Cassandra - Marco

Then sa kabilang side..

Dad ni Allen - Mommy ni Allen - Vacant Seat - Dominique - Micheal - Yesha - Karla - Tyrone - Vacant Seat


Matapos naming makaupo ay nagsimula na silang magusap-usap. Well, sinasali naman nila kami sa usapan. Hindi sila snob. Mababait sila actually kahit yung parents ni Allen kaya lang syempre nakakailang parin dahil kung tutuusin, kaming tatlo lang ang bago dito. Pero pinipilit naman naming makisali sa usapan nila.


Ilang sandali pa ang nakalipas bago namin napansin na may paparating.


"Oh baka ayan na sila." Tyrone said.


"Sorry medyo na late kami. May binili lang kami sa mini mart dyan sa malapit para mamaya." agad na hingin paumanhin ni Irene.


Agad ko, well naming tatlo pala nila Just si Janna. Kasi diba kila Irene din sya sumabay?


"Irene, si Janna?" tanong na ni Just.


Bigla namang tumingin si Irene kay Joshua at kuya Dane.

Regrets of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon