Chapter Thirty Six [Part Two]

20 1 0
                                    


Adri's POV


Kasalukuyan akong nakaupo sa bench dito paakyat ng 5th floor na malapit sa room 507 nang may umupo sa kabilang dulo ng inuupuan ko.


Pasimple ko silang tinignan. And gash! It's Micheal! May kasama syang babae. At base sa pananamit nya, mukha syang sophisticated. Hindi sya mukhang nag-aaral dito dahil hindi naman sya nakauniform ng uniform namin at iba din yung ID lace nya.


Mukha ring brat. Parang mataray. Parang ano ba, Queen Bee. Ganun yung datingan nya eh.


Abala ako sa pag-oobserba sa kanya ng lingunin nya ko.


Hala ka Adri! Nahalata ka ata! Kasi naman!


Agad akong nag-iwas ng tingin para maiwasan sya pero huli na ang lahat.


"Excuse me miss, pwedeng magtanong?" patay ka Adri!


Kahit medyo nag-aalangan ay sumagot ako.


"Pwede naman."


"Alam mo ba kung saan dito yung room na pinagdadausan ng presentation nila Allen?" tanong muli nya sakin.


Teka, kilala nya si Allen? Hindi kaya..


"Ah oo. Dito yung floor. Dun sa room na yun." sagot ko tsaka ko tinuro yung room kung nasan sila Janna.


"Ah.. salamat. By the way, I'm Rachelle Dominique Pontiveros. And you are?" pagpapakilala nito sakin.


[A/N: Rachelle is pronounce as 'REYTSEL' as in CHELLE na matigas, parang CHE na dinagdagan lang ng LLE. And Dominique is pronounce as 'DOMINIK' as in mabilis sya dapat bigkasin. Okay?]


Grabe! Pangalan palang alam mo ng yayamanin!


"Ah, ako si Adri."


"Oh, Adri, well thank you again." walang emosyon na sabi nito sakin.


Juice co! Ang taray nga!


"See Mike? Nandito sila. Text them na. Sabihin mo nakita na natin yung room. Tatawagan ko lang si Mami Nes." baling nito kay Micheal. At ginawa naman ng huli yung sinabi nung Rachelle.


"Hello Mami Nes?" she speak after a while.


Alam nyo wala naman talaga kong balak makinig sa usapan nila ng kung sino man ang kausap nya. Kaya lang kasi, my gut feeling telling me that I should. Feeling ko may makukuha kong impormasyon na sasagot sa mga tanong ko eh.


"Yes Mami. Nandito na kami. Hinihintay nalang namin si Allen. Mukhang matagal-tagal pa bago matapos eh. Ay nako Mami parang hindi mo naman kilala yung anak mo. Ayun, nag-away na naman kami kagabi lang. Kung hindi ko lang talaga mahal yung lalaking yun. Sige Mami. I'll keep you updated nalang." huling sabi nito bago ibaba yung telepono.

Regrets of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon