Sammy's POV
"Class dismissed. See you on Monday."
As soon as our prof leave, I quickly gathered my things and prepare myself to go home. Gusto ko na umuwi.
"Janna, nagyayaya si Luke, kain tayo?" lapit sakin ni Adri which I politely declined.
"Next time nalang siguro. Medyo hindi kasi talaga maganda yung pakiramdam ko eh. Pasesya na, mauna na kong umuwi. Enjoy kayo!"
"Janna, wait!" rinig kong habol sakin ni Adri. "Janna, kung tungkol yun sa inyo ni Just--"
"No. It's not about us. Ano ka ba, Adri. Wala lang talaga ko sa mood ngayon, pero okay ako."
"Pero..."
"Sige na, mauna na ko. Ingat kayo ah?" huling sabi ko tsaka ako ngumiti sa kanya bago tumalikod at maglakad paalis.
Hindi ko napigilan ang mapabuntong-hininga pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng sasakyan ko.
Ang totoo, hindi naman talaga ako okay. Three weeks na kong hindi okay but at least I am trying to be. Yes, tatlong linggo na mula nung maghiwalay kami ni Justin. Tatlong linggo na rin kaming hindi nag-uusap. Pati sila Adri at Luke naaapektuhan, hindi nila alam kung sino ang kakausapin at aayain nila kaya kadalasan ako na yung lumalayo o tumatanggi. Sila naman talaga yung magkakaibigan.
Sa loob ng tatlong linggo, nagawa kong makapag-isip-isip. At hindi ko mapigilang umiyak sa tuwing iniisip ko lahat ng nangyari. I felt really bad, lalo na kay Justin. Kung may tao mang may hindi deserve ng lahat ng nangyayari, sya 'yun. Sobrang selfless nya to the extent na nakakaguilty. Don't get me wrong, I loved him. I really did. But I failed to at least maintain it. I didn't even notice that the love I have for him is slowly fading. Hindi ko namalayan na yung pagmamahal na meron ako sa kanya, nagiging platonic na as time goes by. Maybe ate Chelsea is right. Baka nga kaya hindi ko yun namalayan o kahit naramdaman man lang dahil mas naging abala ko sa pagdedeny at pagtakas sa nangyayari at sa totoong nararamdaman ko.
Napailing ako ng marahan. I just on the engine and started to drive home.
**
Yesha si busy watching some movie on our sala when I reached home. Ni hindi nga ako nagawang batiin. Tutok na tutok. Minabuti ko naang munang umakyat para makapagbihis. Pagkatapos kong magbihis ay agad ako bumaba para samahan si Yesha sa panunuod. Lately kasi hindi na kami gaanong nagkakasama dahil kung hindi ako yung busy, sya naman yung maraming kailangang gawin.
Pinilit kong intindihin yung movie kaya lang, patapos na so inabala ko nalang yung sarili ko sa cellphone. Kasalukuyan akong nagscroll sa feed ko sa fb nang maagaw ng pinapanuod ng kapatid ko yung atensyon ko.
"Bakit mo pa sinabi sa kanya kung wala naman palang pag-asa na maging kayong dalawa?"
BINABASA MO ANG
Regrets of Yesterday
Teen FictionThis story shows how Samantha regrets her decision she made.................................................................................what is it? it's for not telling what she really feel for someone she really love. Tunghayan ang masaya, maku...