Sammy's POV
Second week of September.. sa lahat ng date sa kalendaryo, ito na ata ang isa sa pinakaayaw kong mga araw. Well, bukod sa mga araw na na 'feeling down' ako. Bakit naman kasi hindi? Eh ngayon yung start ng documentation. Ngayon yung start ng two weeks na titira kami sa squatter area. After that, kailangan pa naming ipresent yun. Tapos kailangan pa naming magpractice para sa regionals. So it means, ang September at October ko ay magiging terrible dahil wala akong ibang makikita kundi yung lalaking yun!
HIndi ko maimagine! Almost two months kaming magkakasama!
"Sam, honey sigurado ka bang okay na 'tong gamit mo? Wala kang nakalimutan?" my mom asked which makes me back to the world.
"Yes Mom. Kumpleto na po yan." I looked at my Mom who's now looking at me intently. I saw how her face soften. And by the looks of it, she's going to cry anytime soon.
"Mom.. two weeks lang yun. Saglit lang po yun." I said trying to calm her down.
"Kahit na.. halika nga dito." agad naman akong lumapit at yumakap. "Mag-iingat ka dun okay? Tatawag ka. Anytime pwedeng-pwede kang tumawag samin. Wag kang papagutom. Alagaan mo yung sarili mo dun." sunod-sunod na bilin sakin ni Mommy.
"Love, ayan ka na naman eh. Gagawa lang ng documentary yung anak mo. Kung makabilin ka akala mo ikakasal na." si Dad ng makalapit samin.
"Kahit na! Para sakin baby pa din natin silang tatlo. Lumuwag na nga ako kay Dane eh." sagot naman ni Mommy.
"Ready baby?" baling sakin ni Dad.
I just nodded.
"Tara na. Baka hinihintay ka na nila dun." sabi ni dad tsaka na inilagay yung mga dadalin kong gamit sa sasakyan.
Isang bag pack at maliit na maleta ang dala ko.
Sumakay na rin naman kami pagkaraan.
Sila kasi ang maghahatid sakin sa school para nga dun sa pupuntahan namin. Ang usapan kasi, sa school nalang magkita.
Pagdating namin sa school ay nakaabang na nga si Mrs. Dela Cruz, ang Dean ng college namin, si ma'am Charee pati na din yung sasakyang gagamitin namin ay nandito na.
"Good morning po!" kaagad kong bati pagkababa ko.
"Good morning hija. Oh, good morning Mr and Mrs Villamayor." bati samin ni Dean.
"Good morning ma'am!" Mom and Dad said in unison.
"Mabuti po at pinayagan nyo ang anak nyo para dito."
BINABASA MO ANG
Regrets of Yesterday
Teen FictionThis story shows how Samantha regrets her decision she made.................................................................................what is it? it's for not telling what she really feel for someone she really love. Tunghayan ang masaya, maku...