Justin's POV
"But kuya Allen is a man of efforts! Grabe yung mga ginawa nya for ate. Yung every may occasion nun sa school, lagi naming inaabangan kung anong surprise nya para kay ate."
"Pero nagustuhan ko si kuya Allen kasi sya yung isa sa mga nakilala kong ang tyaga kay ate. Let me tell you this one.. it was a frustrating month for ate. Lahat feeling nya mali. Everyone including us.. tinutulak nya palayo."
"We gave up on chasing her dahil mas nagagalit at umiiwas lang sya samin. But kuya Allen? He didn't. Kahit na anong gawin sa kanya ni ate, he still stay at her side.."
"Kaya kung ano man ang nangyayari ngayon, di ko magagawang magalit sa kanya. I know, he has a reason.. they both have a reason why."
"Yes. Why not? I mean, everybody deserves a second chance. And sabi nga nila diba, love is sweeter the second time around."
Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko at nagpakawala ng malalim na paghinga sa pang-apat na pagkakataon ng muli na namang maalala ko yung nangyari kahapon. Ang dami pala talaga nilang napagsamahan.
Sa mga nalaman ko kahapon sa mga sinabi ni Yesha, naisip kong mas marami pa pala kong hindi nalalaman kay Janna. Oo, madalas ko syang kasama. Oo, apat na buwan na kaming magkakilala. Pero hindi pa talaga sapat yun para masabi kong kilala ko na talaga si Janna. Dahil ang kilala lang namin ngayon, yung Janna ngayon.. hindi yung Samantha noon.
Sa totoo lang okay lang naman sakin kung hindi ko na makilala yung Samantha noon, kaya lang kasi parang mas madaling maintindihan ang isang tao kung lahat sa kanya alam mo hindi ba? Pero wala naman kaming magagawa kung ayaw yung sabihin samin ni Janna. And I respect her decision.
Kaya lang..
"Just! Good morning!" kahit hind na ko lumingon, kilala ko na kung sino yun. Hinintay ko nalang syang makalapit sakin.
"Kumusta na? Okay ka lang ba?"
"Ano bang tanong yan Adri? Parang hindi tayo magkakasama kahapon ah? Teka nga, bakit ang aga mo ngayon? Si Luke nasan?" tanong ko sa kanya.
Bigla namang parang nag-iba ang reaksyon nya.
"Ah.. hindi ko kasabay si Luke, honestly inagahan ko talaga ang pasok ngayon para makausap ka." sabi nya pagkaupo nya sa tabi ko.
"Ako? Tungkol saan?" kunot-noong tanong ko.
"Tungkol sa kahapon?" alanganing nyang sagot.
"Oh anong meron kahapon?" kunwari'y walang alam na tanong ko ulit kahit ang totoo'y alam na alam ko na kung saan papunta ang usapan naming dalawa.
"Just, yung kahapon. Alam ko kahit hindi mo sabihin, naapektuhan ka ng mga nalaman natin kahapon. Ako nga na kaibigan lang ang turing ko kay Janna nagulat sa mga narinig ko eh, ikaw pa kaya na espesyal ang tingin mo sa kanya?" well, she got me there. Saglit akong tumingin kay Adri pagkatapos ay nagbaba ng tingin.
"Hindi ko alam Adri. Naguguluhan ako. Mas lalo akong naguluhan." mahinang sagot ko.
"Naguluhan? Saan?"
"Sa mga nangyayari, mga nangyari.. ewan ko. Akala ko mahirap na yung tulungan ko si Janna na kalimutan si Allen. Pero mas mahirap pala.. hindi ko naman alam na ganung kalalim yung pinagsamahan nila. Adri sa totoo lang, hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba yung pagpupursue sa kanya o hindi na eh." I said then sighed.
"Ayaw mo na ba? Kung nahihirapan ka na, pwede mo naman sigurong itigil na hangga't hindi pa nasasanay si Janna."
"Hindi naman sa ayaw Adri. Heaven knows how I want to continue. Kaya lang kasi, given na nga na si Allen yun.. Monteclaro, yun palang mahirap ng tapatan. Tapos dun pa sa mga nagawa nya for Janna. Isa pa, narinig mo naman kahapon diba? Yesha still want Allen for Janna. Kapatid yun Adri, anong laban ko dun? Mukhang gusto ko na atang maniwala sa sinabi ni Luke noon." may pag-aalalang baling ko sa kanya.
Her face soften.
"Just, kung talagang gusto mo si Janna, you should fight for her. Walang kahit na ano o sino ang makakapigil nun. Oo sabihin na nating lamang na lamang sayo si Allen pagdating sa bagay na yun, pero hello? Nasan na yung Justin Anthony Monteverde na kilala ko? Yung kahit alam nyang dehado sya, itutuloy at itutuloy nya yung gusto nya. Nasan na yun?" sandali syang huminto at para bang tinatantsa pa ang susunod na sasabihin.
"Maaring oo, mas gusto ni Yesha si Allen para kay Janna pero alam naman natin na kahit gaano pa kagusto ni Yesha na mangyari yun, sa huli sa Janna parin naman ang masusunod eh. Isa pa, si Yesha palang yun, Hindi pa natin alam si kuya Dane, yung mommy nila, yung daddy at lola nila. Isa pa, wag mo ngang pinapakinggan lahat ng sinasabi ni Luke! Inaasar ka lang nun, wag mong seryosohin." Adri added trying to lighten up the mood.
"Tingin mo, darating yung time na mangyayari yung gusto kong mangyari?" tanong ko ulit na para bang kailangang kailangan ko ng assurance.
Adri smiled at me first before she say "Oo naman. Just wait for it. It will happen."
---------------------------
A/N: short UD muna.. balak kong bilisan ang phasing nitong story para makarating na tayo sa gitna eh.. wala pa tayo sa gitna srsly.. HAHAHA.. bagal ni otor! sorna! One last chapter then tatalon na tayo.
-LheyLays<3
BINABASA MO ANG
Regrets of Yesterday
Teen FictionThis story shows how Samantha regrets her decision she made.................................................................................what is it? it's for not telling what she really feel for someone she really love. Tunghayan ang masaya, maku...