Sammy's POV
"Janna, hindi pa ba kayo magbabati ni Just?" taong sakin ni Adri habang naglalakad kami palabas na ng library. Sinamahan ko kasi syang magreview para sa Finals nila sa Accounting.
"Hindi ko din alam eh. Siguro naghihintay lang ako ng personal sorry." sagot ko naman.
"Hello? Janna, ano pa bang klase ng personal sorry ang gusto mo? EH ilang beses ng pumunta si Just sa Bahay nyo pero hindi mo naman binababa at hinaharap."
"Adri naman.. wag na nating pag-usapan, okay?" pakiusap ko sa kanya dahil kahit ako naguguluhan din. Hindi ko rin maintindihan kung bakit.
"Adri naman.. anong Adri naman? Malapit na yung birthday ko oh."
"Adri, ikaw ang may birthday. Hindi naman si Just." sagot ko naman sa kanya.
"Kahit na. Ang tagal nyo ng hindi nagpapansinan oh. Tignan mo gaya nalang ngayon, hindi tayo magkakasama." malungkot na sabi nito.
"Adri, sabi ko naman sayo.. kung gusto mo silang makasama okay lang sakin. Kaya ko namang mag-isa."
"Janna naman.. hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit ayaw nyo pang mag-usap ulit para magkaayos na kayo eh. Ano ba kasing nangyari nung huli kayong nag-usap?" muli nyang tanong ng huminto kami sa tapat ng room na pagdadausan ng final exam nila. Nila lang kasi exempted ako.
"Adri.. wag na nating balikan yun. KUng pwede sana saming dalawa nalang yun ni Justin."
"Pero--"
"Sige na. Kung anu-ano iniintindi mo. Intindihin mo yung exam mo sa accounting. Galingan mo ha? Good luck! Sige na pasok na." sabi ko na at bago pa man sya makapagsalita ulit ay agad na kong tumalikod at naglakad na paalis.
Alam ko naman yung sinasabi ni Adri. And she's right. Medyo matagal na nga. It's been 3 days since Justin and I had a fight. At hanggang ngayon, hindi parin kami okay. Ewan ko ba, hindi na naman ako galit sa kanya. Naiintindihan ko na naman kung bakit sya nagalit nun. Siguro naiilang nalang ako. Parang may ilang eh. Hay. Hindi ko na rin talaga maintindihan ang sarili ko minsan.
Why self? Why?
Uuwi na sana ko ng bahay since wala na naman akong klase kaya lang masyado pa palang maaga. 2pm palang. Anobang pwede kong gawin?
Ah! Birthday na nga pala ni Adri sa sabado. Bibili nalang ako ng regalo. Kaya lang ang lungkot.. ako lang mag-isa. Tsaka ano bang gusto ni Adri matanggap? Hmm.
Kasalukuyan akong nag-iisip ng panreregalo nang may maisip ako.
Ting! Pwede!
Agad kong tinawagan ang taong alam kong pwede kong samahan dahil kaming dalawa lang naman ang libre ngayon dahil pareho kaming exempted sa Finals.
BINABASA MO ANG
Regrets of Yesterday
Teen FictionThis story shows how Samantha regrets her decision she made.................................................................................what is it? it's for not telling what she really feel for someone she really love. Tunghayan ang masaya, maku...