Chapter Fifty One

28 1 0
                                    


Sammy's POV


Its been a week already since Justin asked for a break. A week break to be exact. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi parin sya nagpaparamdam o nagpaakita. Ni isang text wala. Akala ko ba cool off lang? Akala ko ba isang linggo lang? Kinausap ko sila Ren at Casey, sabi nila hayaan ko muna daw si Justin. Baka daw may importante lang na inaasikaso.  An sabi naman sakin nila Luke at Adri, nasa Singapore daw si Justin. Sinama daw nila tito sa conference. So busy nga sya. Pero sana man lang diba tinext nya ko? Di ko na nga hinihinging tawagan nya ko eh. Isang text lang na 'Janna, pupunta pala kong Singapore, kailangan lang.' Kahit ganyan nga lang eh, okay na ko. Hindi yung ganito.


"Ate?" nahinto ako sa pag-iisip nang bigla nalang nasa harapan ko na si Yesha.


"Ha?" sagot ko


"Anong ha? Hay.. iniisip mo na naman ba si kuya Justin? Diba nga nasa Singapore? Hayaan mo muna sya dun."


"H-hindi no. Teka, bakit ka nga pala nandito? May sasabihin ka ba?" pagsisinungaling ko tsaka ko na iniba ang usapan.


"Nasa baba si kuya Allen." sagot nito na nagpakunot sa noo ko.


Anong ginagawa ng lalaking yun dito? Minabuti ko na ang bumaba para masagot ko yung tanong ko.


"Good morning Sam!" masayang bati nito sakin.


"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko.


"Sinusundo ka. May pupuntahan tayo."


"Saan?" tanong ko pero imbes na sagutin nya yung tanong ko eh nilapitan nya lang ako.


"Basta. Magbihis ka na. I'll wait you here." sabi nito tsaka na ko pinihit patalikod sa kanya.


Kahit nagtataka ay sumunod naman ako. Pagka-akyat ay agad akong nagbihis. I wear a floral dress and a flat sandals. I also tied my hair in a bun.


Nang makuntento ako sa repleksyon ko ay agad din naman na kong bumaba dahil nga naghihintay si Allen. Pagbaba ay naabutan ko pa itong may kausap sa telepono. Hinintay ko munag maibaba nito telepono bago ako nagsalita.


"Tara na? Saan ba tayo?"


"Basta nga." sagot nito sakin tsaka na ko inalalayang makalabas ng bahay .


"Puro ka basta, sasabihin kita kay mommmy."


"Sabihin mo, para namang di nya alam 'to." sagot pa nya bago nya isinara ang pinto sa may gawi ko at sumakay na din.


Oo nga pala. Alam nila mommy 'tong ginagawa namin ni Allen. Sya nga pala mismo ang humingi ng permiso kila mommy at daddy. Hay. Sa totoo lang hindi ko naman kasi alam na totothanin nya 'to. Akala ko joke lang.

Regrets of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon