Chapter Fifty Seven

12 1 0
                                    


Justin's POV


Should I? Kaya ko ba? Kakayanin ko ba talaga?

Napabuga ako ng marahas nang wala akong maisagot sa mga tanong ko. Animo ay may pagtatalong nangyayari sa pagitan ng isip at puso ko kung dapat ko bang gawin yung desisyong nabuo at naisip ko o hindi kasi baka nga hindi ko kayanin.

But I promised to always make her happy. 

Bahala na, sa ngayon tanging iyon lang yung alam kong pinakatamang gawin.

Matapos kong makapagpasya ay agad na kinuha ko yung phone ko. Kailangan naming magkita. I was about to text her when she called so I answered it right away.

"Hi, good morning!..... Nasa bahay lang ako.... Ayun nga, I was about to text you when you called. May gusto rin sana kong sabihin sayo..... alright, SB nalang tayo. Sunduin kita..... yeah. Be there in thirty minutes. Bye, I love you."

I sighed right after the line went off. 

Eto na talaga, wala nang atrasan.

Mabilis akong tumayo mula sa pagkakahiga upang magsimula ng mag-ayos. Kaagad din naman akong umalis pagkatapos. Ayoko ksing pinaghihintay si Janna. Di bale nalang na ako yung maghintay, 'wag lang sya.

I reached their residence in less than thirty minutes. Pagpasok sa loob ay agad na nakita ko sa salas si Yesha. Abala ito sa pag-aaral.

"Ang sipag." akaagad na sabi ko pagkalapit ko sa kanya.

"Oh, hi kuya." ngiting bati nito tsaka na ulit bumalik sa pag-aaral.

"May exam?" tanong ko pa.

"Long test sa chemistry. Medyo struggle lang sa naming of organic compounds, pero kaya." sagot nya sakin habang nakafocus parin sa pag-aaral. Hindi ko na naman sya inabala pa pagkatapos.

Ilang sandali pa ang nakalipas bago nakababa si Janna. 

Wala na, bumagal na naman yung ikot ng mundo ko. 

Napakaganda ng girl friend ko! Yung tipong kahit basahan ang isuot, maganda parin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napakaganda ng girl friend ko! Yung tipong kahit basahan ang isuot, maganda parin. 

"Let's go?" tanong nito pagkalapit nya samin.

"T-tara." gusto kong batukan yung sarili ko sa pagkakautal ko. Ano ba Justin? Si Janna 'yan, araw-araw mo na halos kasama hindi ka parin sanay?

Nakarating kami sa SB in less than twenty-five minutes. Wala namang traffic dahil sabado, karamihan sa mga estudyante walang pasok. Dumiretso kami dun sa private room na palagi naming pinapareserve kapag pupunta kami dito. Minsan kasama pa namin sila Adri.

We ordered the same food. Napagpasyahan naming kumain na muna bago kami mag-usap. Habang kumakain ay sinusulyap-sulyapan ko sya. She's really pretty inside and out at sobrang swerte ko na naging parte ako ng buhay nya. 

Regrets of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon