Sammy's POV
"Janna, sama ka sakin.. nuod tayong concert!" masayang sabi sakin ni Adri.
Nandito kami ngayon sa cafeteria. Lunch break namin then last one subject nalang.
"Concert? Kaninong concert? Kelan?" tanong ko sa kanya.
"Concert ng Super Junior. Sa next week na 'yun. Wala kasi kong kasama eh so baka pwedeng magpasama?" sagot naman nya tsaka nagpuppy eyes. She's using that trick again. Babaeng 'to talaga. Pati ako ginagamitan nun. -_-
"Sure." Tipid kong sagot sa kanya.
"Talaga? Yay!" masayang sabi nya na kaagad din namang napalitan ng pagkunot ng noo nya. "Pano nga pala yung ticket mo? Wala akong ipanlilibre sayo. Alam mo naman yun Janna diba? Yung ticket ko nga libre lang sakin ni Just eh. Pano mo ko masasamahan?" problemadong sabi nya.
Kaagad ko naman syang nginitian. "I'll buy my own ticket. Ako nalang ang bahala sa ticket ko." Sabi ko pagkaraan.
"Waaaaah! Seryoso? Thank you Janna!" sabi nya tsaka ako niyakap.
"Wala 'yun." Tipid na sagot ko sa kanya na sinundan ng katahimikan sa pagitan naming apat.
Pero agad din namang nagsalita si Adri.
"Just kelan mo pala ibibigay sakin yung ticket? Nakabili ka na ba?" tanong nya kay Justin pero wala syang nakuhang tugon mula rito.
"Just! Just! Woohoo! Justin Anthony Monteverde!" pagtawag niya sa pansin ni Justin pero tulad nung nauna, di sya nito pinansin. Patuloy lang ito sa pagkain.
"Hala! Nagtatampo ka ba? Waah! Bibilin mo pa naman yung ticket diba? Just! Eto naman joke lang naman yun eh. Just!" I Adri tsaka niyugyog si Justin sa braso dahilan upang lingunin sya nito.
"Hindi ako nagtatampo Adri. Manahimik ka nga. Kanina ka pa nag-iingay. Yung ticket bukas ko nalang ibibigay sayo." Tuloy-tuloy na sabi nito tsaka tumayo na.
"Saan ka pupunta?" habol na tanong sa kanya ni Luke pero para itong walang narinig at nagdere-deretso pa din sa paglakad hanggang sa mawala na siya sapaningin namin.
Nagkatinginan naman kaming tatlo.
"Problema na naman nun?"tanong ko sa dalawa.
"Wag mo ng pinapansin yun. Baka may PMS.." sagot sakin ni Adri while Luke just shrugged his shoulder.
Actually one week ng ganyan si Justin eh. Tahimik. Masungit. Madalas na di namamansin. Malayong- malayo sa Justin na nakilala ko. Himala ngang di nya ko inaasar or kinukulit. Di na din sya nakikipagtalo sakin kung sya ba o yung driver namin yung maghahatid sakin pauwi which he always did weeks ago. Di na rin sya laging nagpriprisinta na samahan ako pag may pupuntahan ako.
Nakakapanibago lang. Nasanay kasi ako sa ganung ugali nya eh. Naiisip ko tuloy minsan kung may kasalanan ako kung bakit sya ganun or kung galit sya sakin. Pero wala naman akong alam na nagawa o nasabi ko sa kanya na hindi maganda o na hindi nya nagustuhan eh. Kung yung tungkol naman 'to dun sa pagrereject ko sa kanya, parang hindi naman din ata. Kasi nung nakaraan lang okay pa sya eh. Makulit pa sya nung nakaraan so parang hindi naman yun yung dahilan.
Pero kung hindi iyun.. ano?
"Janna tara na? Malapit na ding magtime eh. Wag mo ng pansinin si Just. May pagka-abnormal talaga yun minsan." Maya-maya ay aya na sakin ni Adri.
Tapos na din pala silang kumain at nakaayos na. ako nalang yung hinihintay nila kaya naman tumayo na din ako.
"Sige tara na.." sabi ko tsaka na kami nagsimulang maglakad papasok sa building ng college namin.
BINABASA MO ANG
Regrets of Yesterday
Teen FictionThis story shows how Samantha regrets her decision she made.................................................................................what is it? it's for not telling what she really feel for someone she really love. Tunghayan ang masaya, maku...