Chapter Forty Two [Part Two]

34 1 0
                                    



Sammy's POV


"Sam honey, matagal ka pa ba dyan? Kumpleto na sila ditto." Mommy said as she knocks on my door.


"Pababa na po Mom." Sagot ko naman habang minamasdan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin.


I'm wearing denim ripped jeans and a sleeveless. I partnered it with my chuck Taylor shoes.


My hair is fixed in a bun.


Nang makuntento na ko sa nakikita ko sa salamin ay agad ko ng kinuha yung mga dadalin kong gamit tsaka na ko bumaba. Isang bag pack lang yung dala ko at isang sling bag na maliit kung saan nakalagay yung mga personal kong gamit.


Pagbaba ko ay wala ng tao sa loob naming. So I assume na nasa labas na sila lahat at dun na nila ko hinihintay.


True enough, nandun na nga sila lahat. Pati sila Mom and Dad nasa labas pa din. Sinabi ko namang okay na ko eh. Na pwede na kahit di sila gumising.


Sobrang mahal talaga nila ko.


"Finally! Here's the queen!" Nikki said with obviously sarcasm.


"Grabe ka Niks ah? Wala pa ngang kalahating oras eh." Natatawa kong sagot sa kanya.


"Oh sya, mabuti pa mauna na kayo at ng maaga kayong makarating." My mom said.


"Ay tsek na tsek ka dyan ng isang color blue na ballpen na may ilaw-ilaw sa dulo tita!" Casey agreed.


And there she goes again with her gay lingo.


At gaya nga ng sinabi ni Mommy, isa-isa na silang nagpwestuhan sa loob ng van.


"Mom, Dad.. mauna nap o kami." Paalam ko sa kanila.


"Take care okay? Honey, know your limits." Paalala sakin ni Mommy.


Hindi ko alam kung ano yung tinutukoy ni Mommy sa sinabi nya but I just simply nodded.


"Be safe baby. Tawagan mo kami in case of emergency huh?" my dad said.


"I will dad. I will. Love you both." Sagot ko tsaka ko na binalingan ng tingin yung mga makakasama ko.


Nakapwesto na sila halos lahat. Si Allen nalang yung nasa labas.


"Tara na?" aya na nya sakin.


Nang tumango ako ay nagpaalam na muna sya kila Mommy and Daddy bago ako inalalayan sa pagpasok sa loob ng van na gagamitin namin.

Regrets of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon