Sammy's POV
"Sweetheart, ready for tomorrow?" agad na tanong ni mommy na sa kasalukuyan ay kafacetime ko habang abala ako sa pag-iimpake ng mga gamit na dadalhin ko bukas.
"Not yet mom. I just got back from the office kaya ngayon palang ako mag-aayos. But I can manage."
"Nakapagpaalam ka na ba dyan? Are you sure okay na silang iwan?"
"Mom, kaya na nila kahit wala ako. Isa pa, I trust Hanna. Alam kong hindi naman nya pababayaan yung branch natin dito." sagot ko pagkatapos ay nag-isip. "Teka, bakit parang feeling ko ayaw mo na akong pabalikin dyan sa Pinas?" kunwari'y nagtatampong tanong ko.
"Anong ayaw? Miss na miss nga kita. Miss na miss ka namin dito. Syempre ayaw ko lang naman na mapunta sa wala yung pinaghirapan mo. Alam kong hindi biro yung binuhos mong effort at oras dyan. Hindi biro na mag-isa mong inayos ang lahat dyan." mahabang sagot naman ng mommy.
Ang tinutukoy niya ay ang bagong branch ng kumpanya namin sa New York na anim na buwan palang ang nakakaraan mula ng magbukas. Ito ang unang project ko. Talagang itinaya ko ang lahat para dito. Kaya nga kahit mahirap, at syempre nakakamiss sila sa Pinas ay tinatagan ko ang loob ko para sa branch namin dito sa NY. Inabot ako ng anim na buwan bago ko nasabing maaari ko ng iwan ang kumpanya sa pangangalaga ng pinsan kong si Hanna. Kailanngan kasi ng talagang tatayong president ng branch since hindi ko naman talaga planong magtagal dito sa New York dahil nasa Pilipinas ang buhay ko.
Isa pa, tiwala naman ako sa pinsan ko na kakayanin nya ang mamahala.
"Anong oras ang flight mo?" muling tanong ni mommy nang mapansin nyang hindi ako sumagot.
"5am. So baka 10pm nandyan na ko bukas. Sasama ka ba sa pagsundo 'mmy?" si Allen palang kasi ang alam kong susundo sakin.
Speaking of Allen, hindi pa nga pala kami nakakapag-usap ngayong araw. Sa totoo lang, madalang kaming mag-usap. Isa sa dahilan yung timezone talaga tapos nagkaroon pa ng problema ang MCC. Ang laki nung nawalang pera sa kanila dahil may nagdispalko. Simula nun, dumalang kaming mag-usap which is naiintindihan ko naman kasi mas kailangan sya dun.
"Sweetheart? You're zoning out." tawag--pansin sakin ni mommy for the second time.
"I'm sorry mom. Iniisip ko lang po kung may naiwan pa ako."
"Pagod ka na yata. Hindi na kita kukulitin. Ang sabi ko kanina, hindi ako makakasama sa pagsundo sayo kasi may aasikasuhin ako. Pero ang alam ko si Yesha kasama."
"Alright mom. And I'm sorry for zoning out."
"No worries. Pagkatapos mo dyan, magpahinga ka na at maaga ka pang aalis bukas. Ingat ka ah? I love you." huling sabi ni mommy.
"I love you too, mom."
Pagkatapos maputol ng tawag ay kaagad ko ng tinapos ang pagliligpit tsaka na ako naglinis ng katawan paraa makapagpahinga na.
BINABASA MO ANG
Regrets of Yesterday
Teen FictionThis story shows how Samantha regrets her decision she made.................................................................................what is it? it's for not telling what she really feel for someone she really love. Tunghayan ang masaya, maku...