Chapter Fifty-two

12 1 0
                                    


Sammy's POV

"Ate, nandito na si kuya Allen! Bilisan mo na dyan!" rinig kong sigaw ng kapatid ko sa loob ng kwarto ko at tsaka kinatok ang pinto ng banyo.


"Haist! Oo na. Eto na!" sagot ko at maya-maya lang ay narinig ko na ang mga yabag nya palabas.


Napabuntong-hininga ko. Anong oras palang, maaga pa kaya! Bakit ba kasi an gaga-aga nya pumunta? Hays, bahala syang maghintay.


Paglilitanya ko tsaka ko pinagpatuloy ang pagligo.


Kung tinatanong nyo kung saan na naman kami pupunta, hindi ko din alam. Pero oo, parte pa din 'to ng sinasabi nyang 'chance'. Yung sinasabi nyang gagawin naming yung mga nasa bucket list ko. Ito na ang ika-anim na araw.


Masaya, magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako masaya at nag-eenjoy sa ilang araw naming paglabas-labas. He is a best friend I never had. The past few days with him were never a dull moment. I enjoy his company kahit na kadalasan eh inaasar nya ko. Nasa personality na nya ata yun. Kagaya nalang kahapon, nagpunta kami sa parke... tinuruan nya kong magbike. Isa kasi sa bucket list ko ang makapagbike. Nakakahiya mang aminin, pero oo hindi ako marunong magbike. Well, we tried. Sinubukan nya kong turuan kahapon, and I swear I did and gave everything para lang matuto kaya lang hindi talaga. Hanggang sa ako na ang sumuko. Siguro hindi lang talaga para sakin ang pagbabike. At dahil sya si Allen, hindi mawawala ang pang-iinis.


"Ikaw lang ang kilala kong marunong magdrive ng four wheels pero hindi marunong magbike."


Tanda kong sabi niya sakin kahapon tsaka ako tinawanan. Nasayang lang daw ang effort nya. Pakayabang! Edi sya na marunong! Sinabi ko bang turuan nya ko? Eh sya nga 'tong nag-insist! Kainis!


Nang matapos ako sa pagligo ay agad na kong nagbihis. I chose to wear pants dahil sabi nya kailangan daw komportable akong makakagalaw sa lakad naming ngayon. Saan kaya ako balak dalhin ng loko?


Nang makuntento na ko sa ayos ko ay nagpasya na kong bumaba.


"Akala ko aabutin ka ng pasko eh. Balak ko na sanang matulog muna, papagising nalang ako kay Yesha eh." Agad na bati nya pagkakita nya sakin.


Napairap ako.


"Sino ba kasi ang may sabing magpunta ka ng maaga?" I countered.


Allen was about to answer when Yesha suddenly speaks.


"Ay grabe na 'to! Ganyan ba talaga epekto kapag araw-araw magkasama? Pati isusuot nagkakapareho?"


At dun lang naming napagpasyahang tignan angsuot ng isa't isa. Oo nga. Well, hindi naman sya parehong-pareho. But the colorand the clothes we are wearing compliments. 


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Regrets of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon