Chapter Thirty Seven

20 0 0
                                    


Sammy's POV


"Saan tayo pupunta?" agad na tanong ko kay Justin pagkalabas namin ng bahay.


Kagabi kasi, tumawag sya para sabihing susunduin nya ko ngayon kasi nga daw may pupuntahan kami.


"Ikaw, saan mo ba gustong pumunta?" pagbabalik nya ng tanong sakin.


"Eh? Akala ko ba aalis tayo? Akala ko naman may plano ka na."


"Meron naman. Ang kaso, naisip ko.. what if we try something new? Yung ikaw naman ang bahala sa kung saan tayo pupunta. Gusto ko this time, ikaw ang masusunod. Ikaw ang boss." nakangiti nyang sabi sakin.


Hmm.. nice idea.. ako ang boss? Pero saan naman kami pupunta?


Ahmm.. ah! Alam ko na! 9:30 am palang naman.. aabot kami nito.


"Ako masusunod ah? Tara na." sabi ko sa kanya at akmang hihilahin ko na sya palabas ng gate namin nang pigilan nya ko.


 "Saan mo ko dadalin? Eh nandito yung sasakyan natin." takang tanong nya.


"Sabi mo ako bahala diba? Ako masusunod?" tanong ko na sinagot naman nya ng pagtango. "Edi tara na. Hindi natin gagamkitin ang sasakyan mo. magcocommute lang tayo."


"Ha? Sandali, mapapagalitan ako ni tita nyan eh." pagtutol nya sa gusto ko.


"Akala ko ba ako masusunod?"


"Oo nga. Kaya lang kasi, pwede bang iba nalang? Kahit ano wag lang yang gusto mong mangyari." pakiusap naman nya.


"Edi hindi din ako yung nasunod. C'mmon, that's what I want. Kaya Tara na. Wag kang mag-alala hindi naman nila malalaman kasi hindi naman natin ipapaalam. So, let's go!" excited na sabi ko tsaka ko na sya hinila na ng tulyan.


Yay! This will going to be fun!


-----


Justin's POV


Mainit. Masikip. Maingay. Mausok.


Kung ipapadescribe nyo sakin kung kumusta ang unang beses na pagsakay ko sa jeep. Yan ang isasagot ko. At hindi talaga ko mawiwiling sumakay dito. Hindi talaga sya komportable sa totoo lang. Bakit ba kasi dito pa naisipang sumakay ni Janna eh. Pwede naman namaing puntahan yung gusto nyang puntahan ng nakasasakyan. Pero gaya nga ng sabi ko, no choice ako. SYA ANG BOSS ngayong araw.


Pasimple ko syang tinignan na kuntento lang na nakaupo sa tabi ko. Nagigitgit din naman sya. Naiinitan. Naririnig din naman nya yung ingay na naririnig ko. Pero ang pinagkaiba namin, nakangiti sya.


Napailing ako. Paano nya nagagawang ngumiti sa gantong sitwasyon? I mean, hindi lang ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Ang isang Villamayor, nag-eenjoy sumakay sa jeep?

Regrets of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon