ANG PAGPAPATULOY.
A/N: sorry sa mabagal na update. Here po enjoy nalang at thanks parin sa patuloy na nagstay sa book na ito.
Salamat.
➰➰➰➰➰➰➰
Nababalot ng napakabigat na tension ang buong silid habang inaantabayanan ang rason sa kung ano nga bang dahilan ng pagkahimatay ni Alexis at maging ang mga taohang naroroon ay hindi malaman sa kung paano kikilos ng dahil sa katakot-takot na aurang nagmumula sa mga Master ng Mansion. Kahit ang kalmadong si Sebastian at Butler Wu ay kinakitaan narin ng malaking pagbabago sa kanikanilang mga mukha.
At habang nag-aabang sa kung anong resulta ng kalusugan ni Alexis matamang hinarap ni Grandpa Alfonso ang ngayon ay walang emosyon na mukha ng kabiyak ng Apo nitong si Alexis bago nagsabing,
"Ano ang plano ninyong gawin sa side branch ng angkan niyo, Andrus?"Sa katanongan na ito ay panandaliang nabaling ang atensyon ni Andrus sa matandang Alfonso bago nagpakawala ng Isang malalim na hininga at tumugon.
"Sisimulan namin ng aking Ama ang paglilinis." Ang tugon nito at siyang sinang-ayonan naman ni Ambrosio Saavedra."Patungkol naman sa mag-amang iyon. Ano ang plano mo Old Sir Mendes?" Sa pagkakataon na ito ay ang Ama na ni Andrus ang nagsalita bago nakipagsalitan ng titig sa matandang Saavedra. Ilang sandali muna ang namuo sa kanilang tatlo habang si Mrs. Veronica ay nanatiling nakatuon ang atensyon sa silid sa kung saan naroroon ang walang malay na si Alexis.
Malalim na paghinga muna ang pinakawalan ni Alfonso Mendes saka malamlam ang mga matang pinakatitigan ang apo."Sa ngayon ay pinauubaya ko na sa inyo ang magiging desisyon sa mag-amang ito. (Ang tinutukoy rito ay ang mag-amang Butler) Sa pagkakataon na ito ay magulo ang utak ko at... ninanais ko munang harapin ang sitwasyon ng pamilya ko."
Sa tugon na ito ay mabilis na naunawaan ng tatlong kausap ang ibigsabihin ng matandang Alfonso bagay na kinagaan rin ng kanilang loob at sa isipin na maaring maging magaan ang bawat hakbang ng mga plano.
"Sa ngayon ay patuloy nating o-obserbahan ang mag-amang Zang. At may mahalagang bagay rin akong ipasasaayos sa aking anak na si Ambrosio at sa aking Apo. Ang putulin ang maliit na ugat na nagsimulang umusbong mismo sa pamamahay na ito. Ang traydor na nilalang na ngayon ay naninirahan sa mansion na ito.""Traydor?"ito ang malaking katanongan na mabilis na umusbong sa isipan ni Alfonso Mendes at maging si Veronica Saavedra ay kinakitaan narin ng pagtataka. Hindi nito aakalain na kahit sa sobrang higpit ng seguridad sa mga kamay ng matandang Saavedra at ni Ambrosio ay may mga munting nilalang parin pala ang makapapasok sa palad nito para traydorin ito.
"Nauunawaan ko Dad." tugon ni Ambrosio, "...Sa ngayon ay hawak na ng mga taohan ko ang taong tinutukoy mo."
Sa kasagotan na ito ay panandaliang napapikit ang matandang Saavedra at kapansin-pansin sa mukha nito ang hindi matagong lungkot na agad rin namang napawi at saka napalitan ng malamig na aura. Base sa kinilos ng Old Saavedra, nahihinuha ng matandang Mendes na hindi ordinaryong sitwasyon o tao ang tinutukoy ng Tatlong Saavedra. Masasabing may halaga para sa kaibigan na Saavedra kung sinoman ang traydor na taong ito.
"Ambrosio. Ikaw na ang bahala sa Butler ko. Hindi ko inaakalang sa lahat-lahat ng taong tatraydor sa akin ay ang taong higit na pinagkalooban ko ng pagtitiwala at nasa tabi ko pa. Nauunawaan ko man ang dahilan ng pagtalikod nito sa akin ngunit hindi parin maatim ng aking budhi ang nagawa nito kaya, ipauubaya ko na siya sa'yo anak ko."
"Masusunod Dad."marahang tugon naman ng anak nito bago maituon ang paningin sa nag-aalalang mukha ng kabiyak.
Sa puntong ito ay tuluyan na naunawaan ng matandang Alfonso at Veronica ang pangyayari. Kung ganoon ang taong tinutukoy nito ay ang matandang Butler na matagal naring nanunungkulan sa Pamilyang Saavedra. Sinong mag-aakala na magagawang talikoran ng Butler na iyon ang Boss na matagal na panahon rin nitong pinaglingkoran.
YOU ARE READING
The Possessive Husband (BL)
FanfictionTitle: THE POSSESSIVE HUSBAND (BOYSLOVE/ MEN TO MEN LOVESTORY) Edited ang book. Upang makaiwas sa sakit at kahihinatnan na malaking kahihiyan. Isang desisyon ang nabuo sa isip ni Alexis Mendes. Ang magpakasal sa taong hindi kilala. "Pakasalan mo ak...