ANG PAGBABALIK NI ANDRUS

416 42 15
                                    

Note: Hindi ko alam if may mga magbabasa pa ng book na ito. At dahil narin sa mga nakaraang issue kaya batid kong may mga ilan parin ang nagmomove-on dito. Kahit ako. Here na mga sissy. Enjoy the chapter.


➿➿➿➿➿➿➿➿

PAGPAPATULOY

ALEXIS'S POV

Pagkatapos nang pangyayaring iyon ay mabilis kong sinabihan ang mga taohan ni Cleo na ihatid ako pabalik ng mansion ng Saavedra sa kung saan naroroon ang Grandpa Saavedra at ang Ina ni Andrus na si Mrs. Veronica Saavedra. Ni hindi ko na pinakinggan pa ang mga sasabihin ni Cleo Montefalco. Bagkus ay tigagal akong nakatitig sa kawalan at nababalot ng hindi pagkapaniwala.

Nakailang ulit na akong umiwas sa kamatayan ng dahil sa mga taong garapal at walang ibang ninais kundi ang mapagbagsak ako at si Andrus. Sa katunayan ay hindi ko na malaman sa kung anong gagawin ko. Hindi pa nakatutulong sa aking sitwasyon ang pagkawala ni Andrus at ng Ama nito. Ni hindi ko narin alam kung buhay pa ba ang mag-amang iyon o talagang patay na. Isama na natin sa sitwasyon ko ang nangyari sa Lolo ni Andrus na hanggang ngayon ay nakaratay parin sa hospital. Pakiramdam ko ay para bang pinagsukluban ako ng langit at lupa. Nanginginig ang palad na pinatong ko ito sa aking tiyan. Bilang isang male conceiver, mahirap sa amin ang mawalan ng partner o katuwang sa buhay dahil naiiba ang aming pagbubuntis sa normal na pagbubuntis ng isang babae. Kinakailangan namin ng lubos na atensyon at pag-aaruga. Kung kaya ay maraming male conceiver ang hindi nagawa nang matagumpay ang kanilang pagdadalang-tao sa tuwing nadaraan sila sa mga mabibigat na sitwasyon o mga tension. Ang malaking tanong ko ngayon ay kung magagawa ko rin ba ng matagumpay ang pagbubuntis kong ito ngayon na wala ang tulong ni Andrus.

"Madam Saavedra..." putol at mababanaag ang pag-aalinlangan sa tinig na sabi ng lalakeng nagngangalang Caleb, habang ang ilang kalalakehang kasamahan nito ay nag-iwas ng paningin sa aking direksyon. Alam ko at nakikita ng mga ito ang mabigat na pinagdaraanan ko ngayon. Ngunit wala na akong pakialam. Maawa man sila o anomang simpatya ang mga nasa isip ng mga ito para sa akin, wala ng halaga ang mga ito sa akin. Ang tanging ninanais ko ngayon ay ang makapagpahinga at lumimot.
"Madam Alexis. Ang bilin nga pala ng Young Master Cleo ay..."

"Huwag mo na ngayon."
Mariin at walang emosyon kong tugon na siyang rason upang muling natahimik ito.

"Pakisabi sa Boss ninyo na ninanais ko na muna ang mapag-isa."

"Makakarating Young Madam Saavedra."

Pagkatapos ng mga salitang ito ay hindi ko na binigyang pansin ang mga taong ito bago ibinaling ang paningin sa labas ng sasakyan nang biglang...


"Letse! Nalintikan na!"

Marahas na napamura ang driver na nagngangalang Abner bago mabilis na sumenyas ito sa katabi nang mapagtanto sa kung anong sitwasyon na kinasusuongan. Dahil dito, doon din ay napagtanto ko rin ang sitwasyon na aming kinasusuongan.

Nababalot ng pag-aalalang bumaling naman ang isang lalakeng diko nakikilala kay Caleb at nagsabing,
"Sir. May mga sasakyan na sumusunod sa ating likuran at mga ilang sasakyan rin ang nakaabang sa ating daraanan.
Mariin at walang emosyon na turan nito bago bumaling sa mga kasamahan.

Ilang mga sasakyan na naman? Mukhang seryoso na ang mga ito at hindi titigil na mapatay ako.



"Men. Maghanda kayo!"malakas na saad ni Caleb bago bumaling at tumanggo sa akin.


"Sir! Yes Sir!"magkakasabay na turan ng mga kasamahan nito kapagkuwan ay kanya-kanyang naglabas ng mga baril at magkakaibang armas.

Sa pagkakataon na ito ay sinimulan ko narin na ihanda ang aking Sarili. Hanggang sa pagtunog ng mobile phone ko ang pumukaw sa aming atensyon. At hindi ko rin inaakala na makakaligtaan ko.



Namimilog ang mga mata. Halos mapamura ako sa aking isipan ng dahil sa kapabayaan ko. Maaring napag-alaman ng mga taong ito ang aking lokasyon ng dahil Cellphone kong ito.

Nagmamadaling hinagilap ko ang Cellphone sa bag na hawak-hawak ko nang hindi inaasahan ay bumungad sa aking mga mata ang pangalang nakarehistro dito. Ang pangalang naghatid ng magkahalong emosyon sa akin sanhi upang hindi ko na nagawang pigilan pa ang maluha habang nanginginig ang palad na tinitipa ang screen ng phone ko.

ANDRUS.

ANDRUS: Wifey. I'm back.

Si Andrus.

Ang husband ko.

Nang dahil sa sobrang tension at kaba na nanunuot sa aking dibdib kanina ay hindi ko na namamalayang nanginginig narin pala ang mga kamay ko sanhi upang aksidenteng masagot ko ang tawag nito.

"He--hello?" Aniya ko.

Pinaglalaroan na naman ba ako ng mundo?

.

.

.

.

.

"Alexis. Ako ito. Nagbalik na ako wifey."

Si- SiAndrus nga!

Nagbalik na siya.

Nagbalik na si Andrus ko!

Nagbalik na ang husband ko!


Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko. Sa maikling salitang ito pakiramdam ko ay ay parang sumabog ang lahat-lahat ng mga emosyon na nagnanais kumawala sa aking dibdib. Hindi ko na inalintana sa kung anoman ang iisipin ng mga taong nasa paligid ko. Bagkus ay mabilis kong hinablot ang braso ng taohan na nagngangalang Caleb na siya namang bahagyang kinagulat nito.

"M-madam?"
Pagkagulat na turan nito sa naging reaction ko.

"Itigil ninyo ang sasakyan! Dalian mo!"

"Huh? Pero Madam may mga taong..."--Caleb

"Itigil niyo nandiyan ang husband ko! Itigil niyo sabi ang--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin nang isang kulay abong sasakyan ang marahas na humarang sa aming harapan na siyang rason upang mapamura sa galit ang lalakeng nagngangalang Abner kasabay nang mariin at marahas na paghila sa manibela ng sasakyan nito bago ikinabig sa ibang direksyon at nagpatuloy sa pagmamaneho. Nagsimulang maging alerto narin ang ilang kalalakehang kasamahan nito.

"Protektahan ang Madam Alexis!"
Saad ni Caleb.

"Pero--Sir Caleb...napaliligiran na tayo ng mga..."



"Uulitin ko! Protektahan ang Madam Alexis!"

"Masusunod! Sir!"

For Pete's sake! Hindi ba ako nadirinig ng mga taong ito?!

Ngunit bago pa man makakilos ang mga ito ay isa na namang sasakyan ang marahas na tumigil sa aming harapan sanhi upang marahas na mapatigil ang sasakyan na aming lulan.

Kitang-kita ng mga mata ko mula sa kulay abo na sasakyan na iyon ay lumabas ang nilalang na tila matagal na panahon ko naring hindi nasisilayan. Pakiramdam ko ay parang tumigil ang oras sa aking paligid. Tanging ang guwapong mukha nito at ang mga matang ngayon ay titig na titig sa aking direksyon ang siyang nag-uumapaw sa utak ko. Sa kaliwang kamay nito ay hawak-hawak nito ang mobile phone habang ako naman ay hawak-hawak rin ang Cellphone sa kanang kamay ko.



"Wifey. I am back."
Saad ng tinig mula sa kabilang linya.


Sa puntong iyon ay hindi ko na nagawa pang pigilan ang pagbuhos ng mga luha sa aking mata bagkus ay malayang tinanggap ko ang pagbuhos nito.

Yeah. Nagbalik na ang Andrus ko.

Sa puntong iyon ay tuluyang binalot ng magkahalong emosyon ang puso ko. Hindi ko na inalintana ang walang sawang pagbuhos ng mga luha sa aking mga mata at magkakasunod na paghikbi sa aking labi. Bago walang alinlangan na i-tinulak ang mga braso na nakahawak sa akin at walang alinlangan na binuksan ang pinto ng sasakyan.




Nagbalik na ang husband ko!







ITUTULOY....

BRIGHTWIN FANFICTION MPREG

ANGELICA'S BOOK

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now