Pagpapatuloy"Gusto ko sana ng mas malaki pang salamin, please?"malamyos ang tinig na sabi ng isang gher na buntis na ngayon din ay nakaharap sa isang malapad at mahabang salamin. Ang salamin na ito ay malinaw at malapad, makikita rin ang iyong buong katawan kasama na ang iyong mga paa kung kaya pagtataka ang nag-uumapaw sa isipan ng mga kasambahay ng Saavedra sa kung bakit ay hindi parin sapat ang salamin na ito sa Young Madam nilang si Alexis. Tama si Alexis nga ang ngayon ay nakaharap sa salamin na ito at binabalot ng hindi maipaliwanag na pag-aalala ang mukha. Mababanaag sa mukha nito ang pagkabalisa bagay na naghahatid ng malaking tanong sa isipan ng mga kasambahay. At siyang bagay rin na kinababahala ng mga kasambahay sa kung bakit at ano ang nangyayari sa Young Madam nila.
"Heto ho' mas malapad at maganda ang lente kumpara sa una. Madam Alexis, maari ninyo po itong subukan."may ngiti sa labing tugon ng may katandaang kasambahay bago marahang iginiya ang palad sa mga kasamahan nito at pinalitan ang salamin na ngayon ay kaharap ni Alexis.
At ito rin ang sitwasyon na naratnan ni Andrus at isang emahe na nagbigay tamis sa kaniyang puso.
Lakad dito...
Lakad doon...
Porma. Kaunting tindig nang maayos at huminga nang malalim saka mag-aarkong mag-aayos ng sarili at tila sinisipat ang bawat anggulo ng salamin.
Hindi mapigilan ni Andrus ang mapangiwi sa kakaibang kinikilos ng gher wife niya. Well, kanina pa kasi paulit-ulit na nagpapabalikbalik ng tingin sa salamin si Alexis na tila ba sinisipat ang bawat anggulo ng salamin at bahagi ng katawan nito at kapagkuwan ay mapapasinghap nang malalim at mababalot ng pagdidilim ang expression ng mukha bago magbubuga ng malalim na hininga.
Ano ba talagang nangyayari sa wife niya? Siyang malalim na tanong sa isipan ni Andrus sanhi rin upang bahagyang ikabahala rin ito ni Andrus sa male wife niya.
May problema ba sa mga salamin na ito? Kinakailangan bang papalitan ang mga salamin kay Butler Wu? Napapangitan ba si Alexis sa kagamitan na ito? Kung magkagayon man ay nararapat ngang mapalitan ang mga kagamitan na hindi tema sa panlasa ng kaniyang kabiyak.
"Andrus! Nariyan ka na pala? Mabuti...mabuti, halika parang may mali kasi e, parang...hindi ako kontento, nais ko pa ng dalawang whole body na salamin. At itayo niyo sa harapan ko. Nais ko nung malaki, malinaw at saka malapad."
halos hindi magkandahumayaw na pagkakasabi ni Alexis na siyang naghatid ng higit na pagtataka sa puso ni Andrus. May mali ba talaga sa mga salamin or malabo lang ang mga ito sa paningin ng gher wife niyang si Alexis? Ngunit kung ito ang gusto ng wife. Siyang nararapat na sundin diba?Sa mga Oras din na'yon ay may ngiti sa labing pumasok sima Butler Wu at Sebastian bago magalang na yumukod sa mga Master nila.
"Butler Wu, magdala ng dalawa pang malapad na salamin. Sundin niyo ang pinag-uutos ng wife ko."walang emosyon na saad ni Andrus bago muling sinipat ang hindi mapakaling kabiyak.
"Siyang masusunod Master Andrus." Walang emosyon rin na tugon ng matandang Butler na si Wu bago mabilis na tinahak ang pinto at sumenyas sa kung taong nakatayo sa labas. Mababanaag sa mga mata ng matandang Butler ang pangingislap ng pagtataka at hindi maitagong tuwa sa sitwasyon. Paniguradong may kinalaman sa pagbubuntis ng Madam nila ang kinikilos nito.
At sa mga oras ding iyon ay pumasok ang ilang kababaehan, yes, kababaehan dahil hindi ninanais ni Andrus ang makakita ng mga lalakeng umaaligid sa wife maliban nalang sa mga piling bodyguard nito. Ni ayaw ni Andrus ang kahit na pasimpleng pagtitig ng sinoman kay Alexis dahil may kaakibat itong kaparusahan lalong-lalo na kung ito ay lalake ang kasarian katotohanan na naghahatid ng takot sa mga puso't-isipan ng kaniyang mga taohan.
![](https://img.wattpad.com/cover/318003829-288-k996787.jpg)
BINABASA MO ANG
The Possessive Husband (BL)
FanfictionTitle: THE POSSESSIVE HUSBAND (BOYSLOVE/ MEN TO MEN LOVESTORY) Edited ang book. Upang makaiwas sa sakit at kahihinatnan na malaking kahihiyan. Isang desisyon ang nabuo sa isip ni Alexis Mendes. Ang magpakasal sa taong hindi kilala. "Pakasalan mo ak...