FAKE Tontawan

268 22 7
                                    

FAKE TONTAWAN POV

ALEXA NATHAPOL

Buong buhay ko ay binabalot ng kasinungalingan at pagpapanggap. Ang inaakala kong mala-prinsesa kong buhay ay isa palang malaking kasinungalingan at waring malaking katatawanan sa mga mata ng karamihan. Isang magandang Momma na mahal na mahal ako at isang Ama na nakahandang ibigay ang lahat-lahat ng naisin ko ngunit nagbago ang lahat ng ito nang masilayan ko ang isang magandang dilag na siyang dahilan ng marahas na pagbabago sa mundong pinaniniwalaan kong pag-aari ko.

Hindi pala ako Isang prinsesa. Hindi pala ako ang tunay na prinsesa ng aking Papa sa kadahilanan na anak pala ako sa labas nito. Nakilala ni Momma ang si Christian Tontawan sa isang pribadong restaurant na pinagtatrabahoan nito, nauwi sa pagmamahal at naging bunga para ako ay isilang.

Tandang-tanda ko pa sa kung paano nagsimulang gumuho ang mundo ko. Noong araw na makita ko ang eksena na gumulantang sa buong pagkatao ko.


Flashbacks:

Nasa mall ako noon kasama ng tatlong babaeng mga kaibigan. Nagpag-isipan naming gumala noon upang bumili ng gift ko para sa aking Amang si Christian Nathapol. Tama, Nathapol dahil ito ang talagang pagkakakilanlan ko sa kaniya katotohanan na mas higit na naghatid ng matinding pagtangis at galit sa aking dibdib.

Malapad ang ngiting tinitipa ko ang phone ko upang mag-iwan ng mensahe sa aking Ina nang hindi inaasahan na marahan akong kinilabit ng isa sa mga kaibigan kong nagngangalang Ellie bago itinuro ng daliri nito ang isang direksyon. At mula room ay kitang-kita ng mga mata ko ang nakangiting mukha ng Papa Christian ko sanhi upang mabilis na binalot ng kaligayahan ang puso ko. Nandito pala ang Ama ko!

Ngunit...

Isang pangyayari ang hindi ko inaakalang magaganap sa mga sandaling iyon. Isang kaganapan na siyang guguho sa mundong aking pinapahalagahan. Akmang ikakaway ko na sana ang aking mga palad para tawagin siya at kuhanin ang atensyon nito nang isang malambing na tinig ang marahas na pumutol sa aking gagawin at siyang rason din para marahas na nag-umapaw ang sakit ng pait sa aking dibdib. Isang malaking katotohanan na mabilis na sumampal sa aking mukha at siyang dumurog sa aking puso.

"Daddy!" Tinig ito na nagmumula sa isang magandang dilag at sa tabi nito ay ang isang magandang babaeng nasa Trenta-pataas ang gulang.

"Nandito lang pala kayo." malapad na tugon naman ng Papa Christian ko bago mabilis na yumakap sa magandang dilag saka mabilis din na niyakap ang katabi nitong babae at saka humalik sa pisnge ng mga ito.

"Da-daddy?" Siyang marahang naibulaslas ng mga kasama ko at ako naman ay tila isang tuod na nakatayo lamang sa kinatatayoan ko. Pakiramdam ko ay para bang tumigil sa pag-ikot ang mundo at oras sa paligid. Para bang nakalimotan ng puso ko sa kung paano ang pagtibok nito. Hindi ko namamalayan ang pag-aalalang bumalot sa mukha ng aking mga kaibigan dahil nanatiling nakatuon ang atensyon ko sa masayang larawan ng pamilyang tinititigan ko.

"Daddy si Mommy oh~ kinukulit na naman ako "

Isang marahan na pagtawa naman ang pinakawalan ng aking Ama bago nakangiting siniil ng halik ang mukha ng Mommy ng dilag na tinutukoy nito.

Mommy...

Daddy...

Sa sandaling iyon ay tuluyan ngang nawasak ang lahat-lahat ng pinaniniwalaan ko, kasabay rin nitong dinurog ang puso ko. Hindi ko matandaan sa kung paano ako nakabalik sa amin. Ni hindi ko maalala sa kung bakit kami nagtalo ni Momma sanhi upang ikamatay nito. Basta't ang natatandaan ko ay ang mga mahalagang impormasyon na iniwan muna nito bago ako walang alinlangan na tumakbo at tinalikoran siya, ang aking Ina. Hindi ko namalayan na sinundan pala ako ni Momma at siyang dahilan para maaksidente ito.

'Anak ko. Hindi tayo ang tunay na pamilya ng iyong Papa. Ako at Ikaw ay bahagi lamang ng tagong mundo ng iyong Ama. Sila ang tunay nitong pamilya. At hindi Nathapol ang taglay ng iyong Papa kundi Siya ay isang Tontawan. Patawad anak ko kung inilihim namin ito. kung binabalot man ng kasinungalingan ang buhay mo at pagkatao, tunay naman ang pagmamahal sa atin ng Ama mo. Patawarin mo kami ng Papa Christian mo."

Sa mga salitang ito pakiramdam ko ay higit na nag-umapaw ang sakit ng pait sa aking dibdib. Pakiramdam ko ay para bang pinagsukluban ako ng langit at lupa. Hindi ako makapaniwala kaya walang alinlangan kong tinalikoran si Momma nung mga oras na iyon at malaking pagsisisi naman sa parte ko dahil, kung hindi dahil sa akin ay buhay pa sana ang Mommy ko.

Nawalan ako ng aking Ina. Nawalan rin ako ng kinikilalang pamilya. Nagsimulang umusbong ang galit at poot sa aking dibdib maging si Papa ay unti-unting nalayo ang loob ang sa akin bagay na hindi ko binigyang halaga dahil kasalanan naman talaga niya ang lahat-lahat ng ito. Ako at si Momma ang una niyang pamilya pero ibang babae ang pinakasalan niya dahil narin sa kagustuhan ng kaniyang Pamilyang Tontawan. Para sa business, kaya dahil doon ay nabuo sa aking puso ang pagnanais na makagante.

Sinundan ko ang kaisa-isang anak ng Tontawan Family. Sinugurado kong alam na alam ko ang lahat-lahat ng tungkol sa babaeng ito. Napag-alaman kong ito pala ang fiance ng kaisa-isang lalakeng anak ng Saavedra pero nabigo ito na siyang nagbigay ng malaking kagalakan sa aking puso. Inilayo ng mag-asawang Tontawan na'yon ang anak nila sa pagnanais na mapabagsak ang kalaban na Saavedra at napag-alaman ko rin ang ugnayan ng pamilyang ito sa pamilyang Montefalco at sa isang makapangyarihang tao na hanggang ngayon ay hindi ko parin napag-aalaman sa kung sino.

At nang makalap ko na ang mga malalaking impormasyon na kinakailangan ko. Ang unang plano sana ay makipag-ugnayan sa Cold blooded prince ng Saavedra Empire ngunit nagbago ang isip ko nang masilayan ko ang guwapong mukha ng kilalang si Andrus Saavedra. Isang pagnanais ang mabilis na umusbong sa aking dibdib. Aking aangkinin ang mala-adonis na ito sa kahit anomang paraan gagawin ko.

Well magkaparehong kagustuhan naman ng dalagang Tontawan na'yon diba? Kung kaya walang masama kong ako na ang gagawa ng paraan para masakatuparan ang lahat-lahat ng ito. Para sa akin ay mahina ang puso ng babaeng 'yon para angkinin ang isang Andrus Saavedra.

Sa isiping ito ay doon ko sinimulan ang aking plano. Sinundan ko si Tu Tontawan pagkatapos nitong makipag-usap kay Andrus Saavedra. Yes. Alam kong may pagbabanta na nangyari sa kanilang dalawa at nalalaman ko kung patungkol sa kung saan ang pagbabanta ni Andrus sa babaeng 'yon. At doon ko rin nasilayan sa kung paano unti-unting nanghina ang pundasyon ng plano ng kapatid sanhi upang mapaismid sa karuwagan nito. Kung ayaw niya, ako na ang tutuloy sa kademonyohan na nasimulan niya.

At sa pagkakataon ngang iyon ay kumilos ako nang hindi namamalayan ng Tontawan Family. Ninakaw ko ang little princess ng mga ito at pumalit sa pagkatao nito. At ngayon ay nasa harapan ko na ang lahat. Karangyaan, kayamanan at katanyagan kaya bakit ko pa hahayaan na mabawi ito ng kung Sino?

Hinding-hindi ko ito mapapayagan!








ITUTULOY.


Written by:
Angelica'sbook

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now