ALEXIS'S PREGNANCY

467 33 5
                                    



         ➰➰➰➰➰➰➰

Pamilyar na silid ang bumungad sa mga mata ni Alexis nang magdilat ito. Panandaliang napakunot ang kaniyang noo bago unti-unting manumbalik sa kaniya ang mga huling pag-uusap na siyang dahilan upang mawalan siya ng malay.

Anak sa labas?

No... Hindi anak sa labas ni Roberto Mendes kundi siya talaga ang tunay na anak ng matagal na panahon rin niyang itinuturing na pekeng amahan. Ngunit ngayong napag-alaman niyang tunay siyang kadugo ng Mendes, magagawa kayang matanggap ng lalakeng iyon ang pagkatao niya ngayon? Ang  maging tunay na anak nito? Isipin palang ay hindi mawari ni Alexis kung anong madarama sa mga sandaling ito.

Akmang marahang kikilos na sana siya para maupo sa pagkakahiga nang biglang bumungad sa kaniyang paningin ang malapad at nakangiting mukha ng guwapong husband niyang si Andrus bagay na hindi mawari ni Alexis kung matatawa ba or maiirita sa kasiyahan na nag-umapaw sa mukha nito. Ngayon lang kasi niya nakitang magkaganito ang husband niya at siyang rason din para makadama siya ng paninibago at pag-aalala. Nagkaroon ba ng sinto-sinto ang lalake ng dahil sa mga mabibigat na rebelasyon na natanggap nito?

Or maybe may iba pang dahilan?
(A/N: masayang-masaya lang naman si Andrus sa pagbubuntis mo! Hahaha.)

Sa harapan ng nagtatakang mga mata ni Alexis ay mabilis na linapitan ni Andrus ang kabiyak bago maingat na tila ba babasagin ang asawa at ingat-ingat na masaktan ito. Mababanaag din ang malamlam na mga mata nitong nakatitig sa kay Alexis.

"Andrus--"

"Huwag ka munang kumilos okay?"mahinahon at pinupuno ng pag-aalalang sabi nito bagay na lalong nagpagulo sa isipan ni Alexis."

"Pero  gusto kong maupo Andrus."

"Gusto mong maupo? Right! Ah-o nga  naman mauupo ka diba sandali at aalalayan kita. Nagugutom ka ba? May nais ka bang kainin? Inumin? O baka inaantok ka? Oh-- mali gusto mo nga palang maupo dahil kagigising mo lang. Teka-- tatawagan natin ang doctor may masakit ba sa'yo Alexis? Sabihan mo agad Ako para--"

Sa bawat magkakasunod na salitang nagmumutawi sa labi ng husband niya  pakiramdam ni Alexis ay mauubusan na talaga siya ng  pansesnya. Ano ba kasi  talagang nangyayari sa husband niya? Nang dahil ba ito sa pag-aalala sa pagkahimatay niya or maybe alam na nito ang tungkol sa--

"A-Andrus..."

"Ang baby..."

"Ha--Ano?"nakatigagal paring pagtatanong ni Alexis bagay na bahagyang Ikinatawa ni Andrus sa expression ng  mukha ng wife Niya. Tila ba hindi parin nababatid ng gher ang sitwasyon sa kanilang dalawa. Tila ba ay hindi  pa nalalaman ni Alexis na nalalaman na niya ang  pagdadalang-tao nito. At base narin sa mga impormasyon na inilahad sa kaniya ni Sebastian at Butler Wu. Nauunawaan ni Andrus kung  may pagtatampo sa kaniya ang kabiyak kaya ay hindi agad nitong pinabatid sa kaniya ang pagbubuntis nito. Dapat pala sana ay higit pang kaparusahan ang ibinigay niya sa mga taohan niyang winalang-galang ang gher wife niya. At hind rin mapigilan ni Andrus ang matawa dahil maging ang matandang Butler na si Wu ay kinakitaan rin ng pagkainis sa kaniya bagay na bahagyang nagpagulo sa utak niya. At nung mapag-alaman na ang dahilan pala nito ay ang pekeng larawan ng nila ng dalaga sa Tontawan Family. Tama peke ang  mga larawan na iyon dahil plano at kagagawan lamang iyon ng karibal niyang si Cleo Montefalco at walang ni  katiting katotohanan sa mga larawan na iyon. Kahit ang videos na tinutukoy ay pawang edited at kung isa ka sa inosenteng makakita nito ay paniguradong paniniwalaan mo ito  kagaya ng  paniniwala ni Alexis rito. Ngayon ay kinakailangan talaga ni Andrus ang maipaliwanag sa gher wife niya ang lahat-lahat.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now