LOUIE SAAVEDRA

317 28 7
                                    


Ang pagpapatuloy...

Matinding tension ang nag-uumapaw sa loob ng Mansion ng Saavedra. Tension na nanonoot sa puso ng mga taong naroroon. Ang pakiramdam na waring napipinto sila sa isang madugong digmaan at tila anomang oras ay maaring dumanak ang dugo sa maliit na pagkakamali lamang.
At gaya nga ng inaasahan ni Andrus  at ng kanyang Ama at Grandpa Arthur Saavedra. Nasa kanilang harapan na ngayon ang taong nasa likod ng ugat ng kaguluhan na ito. Ang kakambal na kapatid ni Arthur Saavedra. (Grandpa Saavedra ni Andrus) Ang taong matagal ng natiwalag sa Family ng kanilang pamilyang Saavedra.

"Kamusta kapatid ko? Namiss mo ba ang twin brother mo?" May ngiti sa labi na pagbati ng ni Louie Anderson Saavedra ngunit kapansinpansin ang hindi matagong disgusto sa mga mata nito habang nakatitig sa kakambal na kapatid. Identical twins kung matuturing ang dalawa kung kaya ay  hindi  katakataka na maaaring magkamali sa kung sino ang sinomang hindi nakakikilala sa dalawang ito.

Wala namang ni katiting na emosyon ang mababanaag sa mukha ng Lolo ni Andrus bagamat kapansinpansin na ang matinding tension na nag-umigting sa paligid.

"Nagagalak akong muli kang makita Louie.Ngunit,tila ba mukhang interesante ang muling pagparito mo lalo pa at marami kang kasama sa pagkakataon na ito?"makahulugang pagtatanong ni Arthur Saavedra sa ngayon ay kaharap na kapatid.

Sa mga oras na iyon ay kasama ng matandang ito ang dalawang branch ng Saavedra. Mababanaag sa dalawang pamilyang ito ang magkaibang emosyon, mga matang  napupuno ng magkahalong mga hindi matagong emosyon, at tila inaantabayanan pa. ang kasunod na mga kasunod na eksena.

Isa ring may makahulugang ngiti ang sumibol sa labi ni Louie  Saavedra bago pasimpleng sumulyap sa nag-iisang anak nito na tumugon naman ng isang mapang-unawang pagtango at hindi matagong kislap ng  pagnanais sa mga mata.

Samantalang, tahimik naman sa tabi habang nakatitig sa kambal na magkapatid ang head ng second branch na si  Alexander Saavedra. Sa katunayan ay wala siyang pakialam sa mga  nangyayari sa harapan niya. Walang  panig siyang kinikilingan hangga't hindi matatapakan o ni masisira ang mga pinanghahawakan niyang  posisyon sa Hospital na pagmamay-ari nila lalong-lalo na hinding-hindi siya makikialam sa gulo na kinasasangkotan ngayon ng Pamilya nila. Wala rin siyang  pakialam sa kung ang kapatid ba niyang si Ambrosio ang manatiling head ng First  branch sa kabila ng  katotohanang ito ang  pinakabunso sa kanilang tatlong magkakapatid na siyang  ugat naman ng matinding  galit ng head ng Third branch na si Dominic (Dom) Saavedra.Ang tanging mahalaga sa kaniya ay ang karangalan niya at ang Hospital na nasa pangangalaga niya. Tama. Isa siyang doctor o madaling Sabihin na mga Doctor ang buong angkan ng Second Branch ng Saavedra. Oh, wait-- maliban nalang sa kambal na Thanya at Stephanie na matitigas ang mga ulo at piniling  pasukin ang industriya ng pag-artista. Isipin palang ang dalawang magagawang dalagang anak niya ay umiinit sa sakit ang ulo ni Alexander Saavedra.

Samantala, Ang mag-amang Andrus at Ambrosio ay nanatiling walang emosyon ang mga mata habang pinakatitigan ang mga taong nasa harapan nila ngayon. At dahil sa walang pakialam na mga expression ng   mukha ng mag-amang ito, lalong mag-umalab ang galit at inggit sa mga mukha ng mga taong naroroon ngayon lalong-lalo na ang third branch.

Mabilis rin naman na kinakitaan ng hindi pagkagusto ang mukha ng anak ni Louie Anderson na nagngangalang Arnold Saavedra,mariing pinakatitigan nito ang ngayon ay walang emosyon na mukha ni Ambrosio Saavedra bago iritadong ibinaling ang mga mata sa katabing anak ng lalake na si Andrus Saavedra. Sa kaniya at sa kaniyang anak sana nararapat ang posisyon ni Ambrosio Saavedra at ng Andrus na ito, kung hindi dahil sa pagkakamali ng kaniyang Amang si Louie marahil ay nasa kaniyang mga kamay na ngayon ang  pagiging CEO ng ALLAC! Sa isiping ito ay hindi mapigilan ni Arnold Saavedra ang mapoot sa Ama at sa matandang kambal na kapatid nito at inggit naman sa anak nitong si Ambrosio Saavedra. Hindi katakataka sa kung  bakit nagngingitngit ang poot sa dibdib ni Dom Saavedra sa Ama nitong si Arthur (Old Grandpa Saavedra)dahil sa favoritism na pinakita sa bunsong anak nito.

The Possessive Husband (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon