ANG PAGPAPATULOY
ARTHUR SAAVEDRA<
Tandang tanda pa ni Arthur Saavedra nung mga panahon sa kung paano itiniwalag ng kaniyang Ama ang sarili nitong kapatid, at kaniyang kakambal na si Louie Anderson Saavedra. Nang dahil sa Mana at Titulo ng Kumpanya ay paulit-ulit siyang nilabanan ng kapatid bagamat iisa ang kanilang hitsura at pigura magkaibang magkaiba ang kanilang paniniwala at paninindigan.
Noon ay hindi niya matandaan sa kung saan at kung kailan nagbago ang lahat. Maayos naman sa simula ang relasyon nila ng kakambal ngunit nung araw na dumating ang kanilang pang-ika-Labing Limang Taong ay mabilis na lumayo sa kaniya ang loob ng kapatid bagay na bahagyang kaniyang ipinagtaka at kalaunay ikinabahala.Wala siyang balak na pamunuan ang Saavedra Corporation at ni hindi niya ninanais ang posisyon na nakaatang sa balikat ng kapatid na si Louie Saavedra. Ngunit malaking pagtatanong sa kaniyang isipan sa kung bakit ganoon nalamang ang paglayo ng loob nito sa kaniya. At sa ganoon nga ay nagsimula na siya nitong ituring na kaaway o madaling sabihin na mortal na karibal sa lahat ng bagay. Ang lahat ng meron siya ay ninanais na makuha ng kapatid. At lahat ng pag-aari niya ay ninanais ng kakambal na maangkin, ngunit hindi niya binigyang importansya bagkus ay naging mapagbigay siya.Hanggang sa natuon ang atensyon ng kambal sa gher na nagmamay-ari ng kaniyang puso. At iyon ang wife niyang si Lancelot Sanchez. At sa pagkakataon na iyon ay hinding-hindi na niya mapagbibigyan ang kapatid kahit kakambal man niya ito. Ngunit naging matigas ang ulo ni Louie Saavedra, ginawa nito ang lahat-lahat upang mapasakamay nito ang nasabing gher kahit man ang maruyakan ang dangal ng nasabing male conceiver ay nagawa nito. Subalit, napigilan ito ni Ambrosio Saavedra bagay na lubos na ikinagalit ni Louie Saavedra at naging rason upang maging ugat ng malaking hidwaan nila at humantong sa pagnanais ng pagkitil ng buhay ng isa't-isa.
Ang kambal na magkapatid na pinupuno ng poot at galit ang kanilang mga puos at halos umabot sa pagnanais na kumitil ng buhay ng isa't-isa. Sa puntong iyon ay hindi na ito nakayanan ng kanilang Ama. At sa huling pagkakamaling nagawa ni Louie Saavedra ay nabuo ang desisyon na matiwalag ito sa buong angkan ng Saavedra. At hinding-hindi maaring ito ay muli ang tumuntuntong sa Mansion ng Saavedra. At ano ang pagmamaling iyon? Ang pagnasaan ang kabiyak ng kapatid nitong at ang pakikipag-uganayan nito sa kalaban na kumpanya upang mapabagsak ang sarili nitong pamilya.
Itiniwalag. Tinanggalan ng karapatan na gumalang sa mga elders ng Saavedra at tinanggalan ng karapatan na panghawakan ang pangalang Saavedra.
Ngunit ngayon na nagbabalik ang kapatid si Louie Saavedra. Hindi mapigilan ng matandang Arthur Saavedra ang muling pag-ahon ng galit sa kaniyang puso para sa kapatid. Hinding-hindi niya parin magagawang kalimotan ang pagkakamaling nagawa nito sa gher niyang si Lancelot. At ngayon na nagbabalik ito at sumira sa pangakong binitawan sa kaniyang mga magulang. Hindi na niya palalampasin ang pagbayarin ito sa mga kasalanan na nagawa nito noon!
----------------
Alexis Metawin Saavedra
Nagsisimula ko ng maramdaman ang mga sintomas ng pagbubuntis ko. Kung minsan nga ay kahit ako ay naninibago sa sarili ko. May oras na gusto kong umiyak ng walang dahilan, mga pagkain na hindi ko naman nakahiligan at ngayon naman ay ilang beses rin akong nagpapabalik-balik sa pagduduwal. At isang beses pa nga ay halos magpababago ang expression ng mukha ni Andrus nang makita ang mga pagkain na kinakain ko na Strawberry with bagong at may kasamang pagsawsaw sa suka. Minsan ay Coffee and manggo juice sa umaga. Fried chicken na sinasawsaw sa bagoong sa tanghali. Then, pineapple na sinasawsaw ko sa soy sauce. At habang sarap na sarap ako sa pagkain. Si Andrus naman ay halos mamutla ang mukha sa nakikita nito. Ang isang bagay na hindi ko malilimotan nung mabalot nang pagkataranta ang mukha nito nang mahuli akong dinidilaan ko 'yong safeguard na kulay orange, doon na halos mapatalon si Andrus para maagaw sa mga kamay ko ang bagay na ito at siyang dahilan rin upang hindi ko mapigilan ang sariling mapaiyak dahil sa kinilos nito. Alam kong mali, yeah may mali sa akin pero kasalanan ko ba na nasasarapan ako sa mga pagkain na'yon? At tungkol naman sa safeguard na sabon e, amoy orange kasi parang gustong-gusto kong kainin. Ngunit hindi talaga ako pinagbigyan ni Andrus kaya naiyak talaga ako at siyang galit naman ng Ina nito nang makitang umiyak ako. Ngunit gaanoman ang mga kakaibang nangyayari sa aking ito pagkatapos na pagkatapos kong umiyak at maibuhos kay Andrus ang inis ko, doon ko na maiisip ang kahihiyan na pinagagawa ko.
YOU ARE READING
The Possessive Husband (BL)
FanfictionTitle: THE POSSESSIVE HUSBAND (BOYSLOVE/ MEN TO MEN LOVESTORY) Edited ang book. Upang makaiwas sa sakit at kahihinatnan na malaking kahihiyan. Isang desisyon ang nabuo sa isip ni Alexis Mendes. Ang magpakasal sa taong hindi kilala. "Pakasalan mo ak...