Chapter 1

26.4K 671 44
                                    

Zea's Pov*

Monday na ulit kaya back to school pati baon ko nag balik na din. Tapos na ang summer vacation kaya back to reality na ulit ang buhay ko. Hello sa mga bagong mambubully sa akin.

Sana naman sa second section pa din kami para mababait ang classmates ko hindi tulad sa first, third at last section na mga bully.

Naglalakad kaming apat papuntang Principals Office dahil pinatawag kame ni Ms. Lee. Pumasok kami sa loob at binati sya.

"Good morning girls. Sit down" Umupo kami sa kanyang harapan.

"Bakit nyo po pala kami pinatawag? May nagawa po ba kami?" Tanong ni Paula.

"Wala kayong nagawa. The truth is wala na kasi kayo sa second section" Sabe nya.

"Po!?" Halos pasigaw naming sabe kaya kumunot ang noo ni Ms. Lee.

"Sorry po. Eh ano pong section namin ngayon?" Tanong ko. Ngumiti lang sya sa akin.

"First section. Kailangan ko kayong ilipat dahil mataas ang mga average nyo" Sabe nya.

"I'll be honest Ms. Lee pero ayoko po sa first section" Sabe ni Kylie.

"Why?" Tanong nya at pinag sikop ang kanyang mga daliri. Ang ganda talaga ng principal namin muka syang koreana tapos sobrang puti pa nya. Siguro nga may lahi sya.

"Ms. Lee hindi naman po sa nagrereklamo kami pero sa pag ka kaalam ko po puro arogante ang mga estudyante sa first section. Ayoko po ng gulo" Sabe ni Claire.

"Is that so...but I'm sorry girls pero nasa list na kayo ng section na iyon. Don't worry pagsasabihan ko nalang sila na wag kayong guluhin at isa pa nandon ang kapatid ko. I'm sure hindi nya hahayaan na magulo ang klaseng iyon" Sabe ni Ms. Lee.

"Wala na po bang ibang paraan?" Tanong ko.

"Relax lang kayo okay? Ako ang bahala sa inyo. Sasamahan ko kayo ngayon sa room para mapag sabihan ko din sila" Tumayo sya at naunang lumabas. Nagkatinginan nalang kaming apat bago sumunod sa principal.

Hindi ako makapaniwalang napalipat kame. Parang ayoko na atang pumasok ngayong taon at mas gugustuhin ko pang magkulong sa kwarto. Syempre joke lang hahaha gusto ko matapos noh! Pag pasok palang namin sa loob lahat ng mata eh naka tingin sa amin. Binati nila ang principal at pag katapos non ay tumahimik sila.

"Good morning my beloved students. Silang apat ang bago nyong kaklase at gusto kong itrato nyo sila ng mabute. Alam ko naman na mababait kayo. Am I right? Come on you know the rules. No bullying inside the school premises. Are we clear?" Sabe ng principal.

"Yes Ma'am!" Sagot ng mga estudyante.

Ano ba naman yan! Ang panget nila...

Pare may bago tayong pag titripan oh hahaha.

Tss ugly nerds again? Like duh ang papanget nila so kadiri!

Welcome to hell nerds!

Kanya kanya silang bulungan kaya napayuko nalang ako. Gusto kong umiyak hindi dahil sa takot kundi dahil sa sama ng loob at hiya. Every year ganito ang mga naririnig ko mula sa mga bibig nila.

"Ms. Villarel are you alright?" Napatingin ako kay Ms. Lee ng hawakan nya ako sa braso.

"Y-es po" Sabe ko.

Four Nerds turns into BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon