Chapter 53

8K 237 4
                                    

Claire's POV

"Uy claire" pagtingin ko sa likod nakita ko si Paula.

"Baket?" Tanong ko.

"Wala ka bang napapansin kay Shaun?" sabe nya kaya napakunot ang noo ko.

"Ha? Wala naman. bakit anong meron?" Takang tanong ko.

"Ahh wala wala" sabe nya tsaka nanahimik. Tulog pa sila at tatlo palang kaming gising ako, si Paula, at Kylie.

"Uy Lili may something na ba sa inyo ni Travis?" Tanong ko.

"Oo ata" sabe nya sabay hikab.

"Uyy Li sabihin mo sakin kapag kayo na ah? haha" sabe ko sa kanya.

"Tss oo na. Eh kayo ba ni Unggoy?" Natawa naman ako sa kanya grabe talaga to eh.

"Nanliligaw na si Panget sakin pero syempre magpapakipot muna ako para naman mas makilala ko pa sya" sabe ko.

"Nako if I know Claire nagpapabebe ka lang! Aminin mo na kasing crush mo sya!" Sabe ni Paula.

"Aish oo na! Bakit ikaw din naman ah crush mo din si Shaun!" Namula naman sya sabay iwas ng tingin oha! Tama ako.

"Bwuisit ka!" Sabe nya.

"Hahaha inis!" Sabe ko. Natawa nalang kame ni Kylie dahil sa itsura ni Paula.

"Good morning" sabay sabay kaming napalingon sa likod at nakita ko si Zea.

"Good morning" bati ko.

"Oh himala hindi mo ata kasama anak mo" sabe ni Kylie.

"Tulog pa eh" sabe nya sabay upo sa tabi ni Paula.

"Yes naman oh. Lumelevel up ang relationship nyo si Xander!" Sabe ko kaya natawa naman sya.

"Wala eh" sabe nya at nagkibit balikat. Tignan mo to halata mong naiwan pa ang kaluluwa sa kama. Lutang pa eh.

"Kamusta naman kayo Zea?" Pangiintriga ni Kylie.

"So far so good. Ewan ko pero mahal ko na ata si Xander everytime na magkasama kaming tatlo nila Maggie palalim ng palalim yung nararamdaman ko sa kanya. Oo sa labas muka syang monyo pero deep inside he is sweet, caring, and lovable" ngayon ko lang sya narinig magsalita ng ganyan. Pag si Xander ang pinaguusapan lagi nya kasing bukang bibig na bwuisit, baliw, stupid insensitive jerk daw pero ngayon iba na ang lumalabas sa bibig nya. Ganon pala talaga pag tinamaan ka ng love noh? Nagbabago ang tingin mo lalo na kung ang taong yon ang palaging nambubwuisit sayo.

"Teka nag almusal na ba kayo?" Tanong ni Zea.

"Hindi pa" sagot namin.

"Sige magluluto lang ako" sabe nya at tumayo. Pagpatak ng 7 AM tapos ng magluto si Zea at anak ng pagong amoy palang ang sarap na. Marunong pala magluto ang babaeng to. Sa loob ng ilang taon naming pagsasama ngayon ko lang nalaman!

"Wow ang dami namang pagkain!" Biglang sumulpot ang mga lalake dito sa dining area halata mong mga puyat pa eh.

"Sinong nagluto?" Tanong ni Xander at pinasa si Maggie sakin. Nginuso namin si Zea na nasa loob ng kusina kaya pumunta sya doon umupo sa tabi ko si Allan. Si Travis sa tabi ni Kylie at si Shaun sa tabi ni Paula.

Zea's POV

Habang nilalagay ko yung hotdog at bacon sa plato nakaramdam ako ng kamay na bumalot sa bewang ko.

"Good morning!" Napangiti ako ng marinig ko ang boses nya naramdaman ko din ang mainit nyang hininga sa leeg ko. At nagsitindigan ang balahibo ko ng halikan nya ang leeg ko.

"U-uy haha nakikiliti ako!" Sabe ko at hinarap sya. Ngumiti sya sa akin kaya napangiti din ako.

"Where's Maggie?" Tanong ko.

"Hawak ni Claire" amoy na amoy ko ang hininga nya. shit ang bangoooo! Binigay ko sa kanya yung plato na naglalaman ng pancakes.

"Tara kain na tayo" sabe ko sabay ngiti. Pagkadating namin sa dining area nilapag ko yung plato sa lamesa at kinuha si Maggie kay Claire.

"Morning sweetie!" Sabe ko sabay halik sa pisnge nya. Yumakap naman sya sa leeg ko at binaon ang muka nya sa balikat ko. Umupo nako sa tabi ni Xander at sya na din ang naglagay ng pagkain sa plato ko.

"Sweetie kain kana" sabe ko kay Maggie pero umiling lang ito.

"Hey what's wrong?" Tanong ni Xander.

"Wala pa ata sa mood bagong gising eh" sabe ko.

"Sige kumain kana. Ako  na muna ang bahala" kinuha nya sakin si Maggie kaya kumain muna ako. Nakakain naman ako ng ayos at pag sinusubuan ko naman si Maggie nakain naman sya. Nang tapos nako si Xander naman ang kumain dahil hawak hawak ko na si Maggie. Nagtatawanan at nagkukwentuhan lang kami habang nakain sila.

"Mommy milk" sabe ni Maggie. Ay shit oo nga pala hindi ko napagtimpla ng gatas si Maggie.

"Kay Tita Paula ka muna ha? Nakain pa si Daddy mo eh magtitimpla lang ako ng gatas mo" tumango naman sya kaya binigay ko sya kay Paula. Teka asan si Shaun? Kanina lang nandito sya ah.

"Titimpla lang ako ng gatas" sabe ko kay Xander kaya tumango sya. Umakyat ako sa kwarto at kinuha yung gatas at bottle ni Maggie nilagyan ko ng gatas yung bote at tsaka lumabas ng kwarto.

"Zea" napahawak ako sa dibdib ko ng biglang sumulpot si Shaun sa likod ko.

"Sh-shaun baket? Aa nakakagulat ka naman" sabe ko.

"Sorry" sabe nya.

"Nako okay lang. Teka bakit ka nandito? Tapos kana ba kumain?" Tanong ko. Imbis na sagutin nya ako bigla nya akong sinandal sa pader. Shit ang likod ko!

"Shaun masakit!" Napapikit ako ng hinigpitan nya ang hawak sa magkabilang balikat ko. Umusbong ang takot sa sistema ko. Hindi ko alam kung bakit ganito sya pero kinakabahan ako!

"Magiingat ka!" Sabe nya.

"Aray Shaun masakit!" Sabe ko. Naiiyak nako sa takot bakit ganito sya?

"Fuck! What are you doing?!" Napalingon ako at nakita ko si Xander na sobrang sama ng tingin kay Shaun. Lumapit sya sa amin at bigla nyang sinuntok si Shaun kaya napaupo ito sa sahig.

"I told you to stay away from her!" Tinuro sya ni Xander.

"Xander tama na!" Awat ko. Tumingin sya sa akin at nakita ko na kumalma sya.

"Dude ano to?" Nasa likuran namin silang lahat at takang taka sa mga nangyayare.

"Babalik na tayo sa Manila ngayon din. Pack your things" Malamig na sabe ni Xander at nilagpasan ako.

"If you want to stay here okay lang pero kung uuwi na din kayo bahala na kayo" Rinig kong sabe ni Xander sa kanila. Napapikit ako at napahawak sa dibdib ko gosh anong nangyayare?

************************
A/n: Bibitinin ko muna kayo guys 😁 hindi ko alam kung kailan ako makakapag UD ulit kaya hintay nalang kayo okay?  😊 masaya ako na nagugustuhan nyo ang story ko emeged naiiyak ako hahahaha 😄 basta yun keep on voting ha at comment na din po lovelots 😘

Four Nerds turns into BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon