Xander's Pov*
Ughh ang sakit ng ulo ko! Napadami ata yung inom ko kagabe.
"Hijo naka handa na ang iyong almusal bumaba kana!" Napatingin naman ako sa intercom dito sa kwarto ko.
Si Manang talaga. Bumangon na ako sa kama at pumasok sa banyo. Naligo ako at nagbihis na ng uniform ko. Nakatingin ako sa salamin dito sa kwarto ko ng mahagip ng mata ko yung picture namin ni Princess. Kinuha ko naman yon at pinagmasdan sa tabi ko may magandang batang babae at napaka ganda din ng ngiti nya. Napansin ko naman yung kwintas na suot nya kaya napangiti ako ng mapait.
"I hope you're okay. I miss you so much" napabuntong hininga nalang ako. Binalik ko na yung picture sa pwesto nito at bumaba na.
Nakita ko naman sila ate na nakain na. Napatingin sa akin si Manang at ngumiti.
"Good morning!" bati nya. Napangiti nalang ako hinalikan ko sila ate sa noo nila at hinuli ko si Trixie.
"Kuya naman eh" inis na sabe nya.
"What?" tanong ko.
"I'm eating po kaya!" sabe nya.
"I'm eating po kaya blah blah blah! ang arte mo eh!" ginaya ko naman sya.
"Tse!" sabe nya. Hahahaha asar!Umupo na ako sa upuan ko at kumain na.
"Xander, ikaw muna maghatid kay,Trix. Nagmamadali ako eh!" sabe ni ate Irish.
"Sige ako ng bahala kay Trix!' sabe ko.
"Thank you" sabe nya at umalis na. Tumingin naman ako kay Trixie na nakakunot ang noo. Tapos nakong kumain kaya nagtoothbrush muna ako. Pumasok naman si Trixie sa kwarto ko.
"Kuya bilisan mo naman po ang tagal mo eh malelate nako!" maktol nya. Nang matapos ako kinuha ko na ang susi ng kotse ko at bumaba na sumunod naman si Trixie. Sumakay na kami sa kotse at pinaandar na yon.
"Kuya I want fries!" sabe nya.
"Agang aga fries agad!" sabe ko.
"Ihhh dali na po kuya!" sabe nya.
"Trixie tigilan moko hah!" inis kong sabe. Aa to ganito ba sya kay ate? kainis lang.
"I hate you" may sinabe naman sya pero hindi ko narinig. Nang makarating kame sa school bumaba na agad sya at nagulat ako sa ginawa nya.
*BLAGGG*
Sinara nya naman yung pinto ng pagkalakas lakas kaya natigilan ako ng konti. Hanggang sa makalayo si Trixie sa paningin ko hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya. First time nya lang ginawa yon.
"Hayssss" napabuntong hininga naman ako. Dapat pala pinagbigyan ko na sya sinuklay ko naman ang buhok ko ng aking daliri. Nagmaneho nako papuntang school ng makarating ako nagpark nako at bumaba na. Nakita ko naman sila Allan na naghihintay doon sa may gate naglakad nako palapit sa kanila nginitian ako ni Travis at Allan pero hindi ako ngumiti pabalik.
"Dude agang aga badtrip ka?" tanong ni Travis.
"Si Trixie kase..." hindi nako nakatapos sa sasabihin ko dahil pinutol ni Travis.
"Ano na namang ginawa mo kay kulit? Patay ka!" sabe nya.
"Agang aga kase nagpapabili ng fries. Ang iniisip ko lang naman baka sumakit yung tiyan nya eh wala namang magsusundo sa kanya gawa ng wala si ate Irene. Baka mamaya mangyare ulit yung nangyare sa kanya" paliwanag ko.
"Woah! Dude may ganyang side ka pala? Akala ko puro katarantaduhan ka lang eh!"sabe naman ni Allan.
"Fuck you!" sabe ko.
BINABASA MO ANG
Four Nerds turns into Beauties
Teen FictionNerd! Ugly Nerd!! Stupid Nerd!!! Iba't ibang tawag sa apat na magkakaibigan. Pero ng maayusan, lahat sila kinainggitan. I dedicate this story to those people who was called 'NERD' before. Coz' I want you to know that beauty only attracts the eyes, b...