Chapter 62

8K 234 32
                                    

Zea's POV

"Daddy!" Sigaw ni Maggie ng makita nya si Xander. Agad itong tumakbo palapit sa amin at yumakap kay Xander.

"Daddy namiss po kita!" Sabe nya sabay kiss kay Xander.

"I missed you too baby. Bakit parang mainit ka?" sabe ni Xander. Hinipo ko si Maggie. Oo nga medyo mainit sya.

"Baby are you feeling well or not?" Tanong ko.

"I'm okay. Daddy let's play po" Sabe ni Maggie.

"So si Daddy mo lang ang namiss mo? Paano naman si Mommy?" Tanong ko.

"Namiss din po kita Mommy ko!" Sabe nya sabay kiss sa akin.

"Wait lang magbibihis lang ako" Sabe ko at umakyat na sa kwarto ko.

"Manang pahanda naman po ng merienda tapos padala nalang po sa living room!" Sabe ko sa intercom.

[Sige hija]

"Salamat po!" Sabe ko. Nang makapagbihis nako agad akong bumaba at hinanap yung dalawa at naabutan ko sila sa garden. Naglalaro pala ng tea party si Maggie at ang nakakatawa don si Xander may hawak na tea cup at yung pinky nya nakataas hahahaha. Pinicturan ko silang dalawa ang cute kase.

"Mommy sali ka po samin" napalingon sa akin si Xander. Ngumiti ako sa kanya at lumapit sa kanilang dalawa.

"Ano bang ginagawa mo baby?" Tanong ko.

"Wala po tea party again hihi" sabe nya.

"Ikaw talaga" sabe ko.

"Mommy asan po si ate Sisi?" Si Trixie ang tinutukoy nya.

"Nasa bahay nila baby namimiss mo na ba sya?" tanong ko. Tumango naman sya at parang naiiyak na.

"Halika nga dito kay Mommy" sabe ko. Tatayo na sana sya ng bigla syang natumba.

"Maggie!" Nagpanic agad ako at nilapitan si Maggie. Oh my gosh! Nakita kong dumudugo ang ilong nya at bigla syang namutla. Sobrang init nya din.

"Manang tulong!" Sigaw ko.

"Let me carry her!" Inagaw sa akin ni Xander si Maggie at sya na ang nagbuhat dito. Dali dali kaming pumunta kung nasaan ang kotse nya at sumakay don. Para kaming lumipad dahil ang bilis naming naka dating sa ospital. Nasa labas kame ngayon ng emergency room at hindi ako makali.

"Hey calm down" niyakap ako ni Xander bigla akong napaiyak. Lord please wag nyong pabayaan si Maggie.

Naghintay lang kami dito at ng lumabas ang doctor lumapit agad ako sa kanya.

"How is she?" Tanong ko.

"Mabuti nalang at naisugod nyo agad sya dito. Dengue ang dahilan kung bakit sya nagkaganon kanina. Hindi naman ito ganun kalala kaya wala na kayong dapat ipagalala bibigyan ko nalang kayo ng list ng gamot nya. And one more thing dapat nyo syang painumin ng Tawa-Tawa mas mabilis ang pag galing nya pag uminom sya non" sabe ng doctor. Dengue?

"Ano yung Tawa-Tawa?" Tanong ni Xander.

"Isa itong halaman na makikita nyo sa tabi. Herbal medicine sya" sabe ng doctor.

"Sige po Doc salamat!" Sabe ni Xander.

"You can see her now. Pinalipat ko na sya sa room 134" sabe ng doctor at tuluyan ng umalis. Napaupo ako sa bench at napahawak sa ulo ko. Sumasakit na naman ito. Ughhh wag ngayon please!

"Hey stop thinking to much. Everything will be fine!" Sabe ni Xander at niyakap ulit ako at hinalikan sa noo.

Pinuntahan na namin si Maggie sa kwarto nya at naabutan namin syang tulog. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang maliit nyang kamay at hinalikan yon. Pinagmamasdan ko lang sya hanggang sa maipikit ko ang mata ko.

Four Nerds turns into BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon