Zea's POV
"Mommy wake up!" Naalimpungatan ako dahil may yumuyugyog sa akin.
"Hmm let Mommy sleep baby" antok na antok kong sabe sabay talukbong ng kumot. Narinig ko pang humagikhik si Maggie pero hinayaan ko nalang gusto ko pang matulog.
"Mommyyy wake up!" Natatawang sabe ni Maggie. Gusto ko man pero ayaw ng diwa kong bumangon. Nakakatulog na ulit ako ng biglang naramdaman kong parang lumulutang ang katawan ko. Ughh bahala na basta matutulog pa ako tapos! Pero bakit parang nagalaw ako? Hindi kaya nananaginip lang ako? Aish nevermind!
*splash*
"KYIAAAAAAAAH!" Irit ko. Anak ng pusang tulog! Nagising ang diwa ko ng maramdaman ko ang katawan ko na basang basa. Waaaaah bakit nasa pool ako?
"Ahahahahahahahah!" Pagtingin ko sa harapan nakita ko si Xander at Maggie na tawa ng tawa habang nakaturo sa akin. Ughhhh peste! Umahon ako sa pool at naglakad palayo sa kanila pero hinarap ko ulit ang dalawa lalo na si Xander.
"Hindi nakakatuwa" pagkasabe ko non tumakbo nako papuntang kwarto ko at nilock yon. Pagkapasok ko ng banyo hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang akong napaiyak. Dala na siguro ng inis at antok! Hinayaan ko lang na umiyak ako sa loob ng banyo at pagkatapos non naligo ako at nagbihis. Sumama tuloy lalo ang pakiramdam ko peste talaga! Hinanaan ko yung aircon dahil nilalamig talaga ako ng sobra.
"Achooo" bahing ko. Napasinghot ako. Ayan binabahing nako.
"Achoo! Achoo!"
Knock knock...
Hindi ko nalang pinansin yon at humiga na sa kama.Pumikit ako at hinayaang makatulog ulit ang sarile ko.
Xander's POV
"Daddy galit po ba si Mommy sakin kasi I laughed at her?" Tanong ni Maggie.
"No baby." Sagot ko sabay halik sa noo nya. Kanina pa ako katok ng katok sa pinto ng kwarto ni Charry pero ayaw nyang buksan. Ugh kung pwede lang sirain to ginawa ko na. Bumaba ako para kunin yung susi para sa kwarto ni Charry buti nalang pinahiram ako kundi wawasakin ko talaga yung pinto nya. Pagkaakyat binuksan ko yon at pagpasok ko nakahiga ulit sya sa kama at nakatalikod sya sa amin. Dahan dahan kong sinara ang pinto at lumapit sa kanya.
"Don't make any noises okay?" bulong ko kay Maggie at tumango naman sya. Pagkalapit ko kay Charry umupo ako sa harap nya at pinagmasdan ang muka nya habang natutulog. Tignan mo to natulog ng basa ang buhok. Gigisingin ko sana sya pero ng mahawakan ko ang pisnge nya para akong napaso. Hinipo ko ang noo at leeg nya at shit lang init nya sobra!
"Charry wake up!" Sabe ko. Ugh nilalagnat na ba sya kanina pa bago ko ihulog sa pool? Tangina ang tanga ko! Mukang napasama pa sya sa ginawa ko.
"Hmm" ungol nya. Takte anong gagawin ko?
"Hey bumangon ka nga!" Sabe ko.
"Leave me alone" mahina nyang sabe dahil bakas sa boses nyang antok na antok pa sya.Anong gagawin ko? Aish!
"Uhm baby pwede mo bang sabihin kay Manang na magdala sya dito ng malamig na tubig at bimpo tsaka gamot na din" utos ko kay Maggie. Nagtaka ako kase hindi sya lumabas ng pinto doon sya pumunta sa gilid at nakita ko na may intercom don.
"Manang" sabe nya.
[Ano yon Maggie?]
"Daddy said that bring a cold water and uhmm..." humarap sya sa akin. Nakalimutan nya siguro. Tumayo ako at ako na ang kumausap kay Manang.
"Padala naman po ng malamig na tubig at bimpo tsaka po gamot. Mataas po kase ang lagnat ni Charry" sabe ko.
[Sige sandali lang]
Bumalik ako sa pwesto ko at pinabangon si Charry. Tsk pasaway! Sabe ng wag matutulog ng basa ang buhok. Ilang beses nya na yang ginagawa kaya lumalabo ang mata eh. Ilang minuto lang ang lumipas dumating na si Manang at dala dala na yung kailangan ko. Nilapag nya yon sa side table at umalis na din.
"Love wake up" sabe ko.
"Don't bother me! Just le-leave me a-alone!" Hays.
"Uminom ka ng gamot ang taas ng lagnat mo" sabe ko.
"Ka-kasalanan mo to kung hi-hindi mo ako hinulog sa pool hindi lalala ang lagnat ko"
"Oo na kasalanan ko na! Malay ko ba namang nilalagnat ka" Kahit ayaw nya napainom ko sya ng gamot at pinatuyo na din ang buhok nya. Si Maggie tahimik lang dito sa tabi ko at hinahaplos ang muka ni Charry.
"Mommy are you alright?" Tanong ni Maggie.
"Uh huh! Don't worry baby I'm fine" sabe nya.
"Are yah sure?" Tanong ulit nito.
"Sure na sure" sagot ni Charry. Hinayaan ko lang silang dalawa hanggang sa makatulog sila pareho. Dahil natutuwa ako sa itsura nila kinuhanan ko sila ng picture. Naalala ko yung kagabe sa bahay nung sinama ko sila don.
Flashback...
"Anak!" Bungad na tawag sa akin ni Mom ng makita ako. Karga karga ko si Maggie sa kanang bisig ko habang hawak ko ang kamay ni Charry sa kaliwa.
"You must be Maggie you're so adorable!" Pinisil ni Mom yung pisnge ni Maggie kaya humagikhik ito.
"Hey there Zea!" Sabe ni Mom. Nakita ko ang pamumula ng pisnge ni Charry.
"James hijo" nakita ko si Dad na pababa ng hagdan kasama nya si ate Irish at Trixie.
"Maggie!" Sigaw ni Trixie. Binaba ko si Maggie at dali dali itong tumakbo palapit kila ate. Ngumiti ako kila Dad at kasabay non ang pag akbay kay Charry naramdaman kong medyo nagulat sya.
"Finally! Welcome back to our humble home Ms. Villarel so shall we eat?" Tanong ni Dad.
"Sure Mr. Lee" sagot ni Charry. Halatang kinakabahan sya kaya nginitian ko sya para mawala ang uneasiness nya.
"It's too formal just call me Tito" sabe ni Dad.
"Okay po" sabe ni Charry. Lahat kame nasa dining area at nakaupo na. Habang kumakain nagkwekwentuhan sila ako nakikinig lang.
"So kamusta naman ang anak ko? Hot headed ba masyado?" Tanong ni Dad kay Charry.
"Nako sobra po daig pa nga po ako sa pagka moody eh" sabe nya. Nagtawanan sila hindi ko nalang pinansin yon.
"Where's your parents?" Nagsmirk ako.
"Mom" Sabe ko.
"Oh shut up James, I'm not talking to you I'm talking to her" sabe ni Mom. Ang dami nilang tanong kaya nainis ako.
"Pwede ba mamaya na kayo magtanong ng magtanong hindi makakain ang girlfriend ko!" Inis kong sabe. Napatigil silang lahat at napatingin sa akin.
^______^- Dad
0_____0- Mom at sila ate.
>o<- Zea.
"What?" Inis kong tanong. Makatingin sakin parang may mali akong sinabe. Bahala nga kayo. After naming kumain pumunta kaming garden at doon tinuloy ang pagkwekwentuhan. Tanong sila ng tanong nakakairita.
"James kanta ka please!" Sabe ng ate kong baliw.
"Ayoko" bored kong sabe.
"Dali na!" Pamimilit nya.
"Ayoko nga ang kulit mo!" Tumawa naman sila.
"Kakanta ka o ipapakita ko kay Zea yung picture mo nung bata ka pa at nagkasakit ka ng bulu-" tinakpan ko ang bibig nya. Anak ng bwuisit talaga to!
"Oo na pwede ba! Ughh!" Wala akong nagawa kundi pumunta sa kwarto ko para kunin ang gitara ko. Nang makabalik ako inumpisahan ko na ang pagkanta letche ka talaga ate!
**************************
A/n: SORRY FOR THE LONG WAIT READERS! BTW HAPPY 9K READS! CAPSLOCK DAHIL MASAYA AKO BWUAHAHAHAHA LOVE YOU ALL!!
BINABASA MO ANG
Four Nerds turns into Beauties
Teen FictionNerd! Ugly Nerd!! Stupid Nerd!!! Iba't ibang tawag sa apat na magkakaibigan. Pero ng maayusan, lahat sila kinainggitan. I dedicate this story to those people who was called 'NERD' before. Coz' I want you to know that beauty only attracts the eyes, b...