Chapter 8

12.4K 396 21
                                    

Zea's Pov*

Ako palang ang tao sa room dahil maaga pa. Lagi nalang akong nauuna dito palibasa late lagi kung gumising yung tatlo. Humikab ako sabay tungo sa aking desk ang aga ko kasing nagising kanina kaya ako inaantok ngayon. Papikit palang ang mata ko ng biglang lumagabog ang pinto ng room kaya nagulat ako. Nawasak ata yung pinto ng room namin. Pumasok yung apat at napatingin sa akin. Kumunot ang noo ni Xander habang naka tingin sa akin.

"Akala ko ba walang tao dito, Allan" Sabe nya.

"Ano malabo na din ang mata mo?" Tanong ni Travis.

"Hindi malabo ang mata ko noh" Sabe ni Allan.

"Sabe mo wala pang tao! Uupakan kita jan eh" Kunot noong sabe ni Shaun.

"Wala naman ah" Pag pupumilit ni Allan. Hindi ko alam kung bulag ba sya o baliw lang talaga.

"Anong wala? Eh nandito si Zea" Sabe ni Shaun at binatukan si Allan.

"What? Tao pala yan. Akala ko kase alien eh sorry mga dude hahahahaha" Tumawa si Allan at Xander habang si Travis at Shaun naman ay naka simangot. Umusbong ang inis sa sistema ko dahil sa sinabe nya. Ibubuka ko palang ang bibig ko ng biglang may nagsalita kaya napatingin kaming lima sa pinto.

"Anong sabe mo sa kaibigan ko?" Nakita ko yung tatlo. Lumapit si Claire kay Allan at masama nya itong tinignan.

"Bakit ko naman uulitin yung sinabe ko nerd? Ano ka swerte" Umismid si Allan.

"Hoy ikaw unggoy! Wag na wag mo akong tatawagin na nerd kung ayaw mong sampalin kita ng isa" Banta ni Claire.

"Unggoy? Sa gwapo kong ito? Totoo namang nerd kayo ah! At isa pa hindi mo ako masasa-" Hindi nakatapos ng pagsasalita si Allan dahil naka tanggap sya ng isang malakas na sampal mula kay Claire. Napasinghap ako samantalang nanlaki ang mata nila Shaun. Si Paula at Kylie naka ngisi.

"What the fuck!" Sigaw ni Allan habang naka hawak sa kanyang namumulang pisnge.

"Sabe ng wag mo akong tatawaging nerd!" Sigaw ni Claire. Nagtiim ang bagang ni Allan at lalapitan sana si Claire ngunit pinigilan sya nung tatlo.

"Dude kalma babae yan" Sabe ni Shaun.

"Wala akong pake! Walang pwedeng gumawa sa akin non!" Galit na sabe ni Allan.

"You deserve that slap asshole!" Sabe ni Claire.

"Don't call me asshole!" Inaawat nila Shaun ang galit na galit nilang kaibigan. Agad akong lumapit kay Claire para awatin sya.

"Don't call me blah blah blah! Whatever" Sabe ni Claire at umalis.

"Claire!" Tawag ko pero tuluyan na syang nakalayo.

"Dude calm your ass down" Hinarap ko yung apat. Naka tingin sa akin si Xander pero ng mahagip nya ang tingin ko eh agad syang umiwas.

Allan's Pov*

That nerd will pay for what she did to me! Ngayon lang ako nasampal ng babaeng tulad nya at hindi ako papayag. Sa buong klase namin sa room sa kanya lang ako naka tingin. Masamang tingin. Siguro kung nakakamatay lang ang tingin ko kanina pa sya patay.

"Mr. Villanueva!" Napatingin ako sa unahan.

"Yes Ma'am?" Sabe ko.

"Are you listening to me? Kanina pa kita tinatawag ah!" Naka kunot noong tanong ng teacher namin.

"I'm sorry. May tanong po ba kayo?" Nakita ko ang galit nyang ekpresyon.

"You're not paying attention in our lesson. Kanina ka pa distracted" Sabe ni Mrs. Brenda. Physics ang lesson namin ngayon.

"I'm sorry. May iniisip lang po ako" Seryoso kong sabe.

"Back to our topic. I hope na masasagot mo ang problem na naka sulat sa board" Sabe nya. Napatingin ako sa whiteboard at may problem nga doon na dapat i-solve.

"A man travels by his car at one hundred fifty meters to the east and seventy meters to the west, calculate the average speed and average velocity of the car if it travels in ten seconds" Binasa ni Mrs. Brenda ang tanong sa board. Hawak nya ang marker at pinalapit ako sa kanya.

"Solve the problem, Villanueva" Sabe nya. Tumayo ako at inayos ang uniform ko. Nakita ko na tumingin sa akin si Claire kaya napairap ako. Tss humanda sya sa akin mamaya.

Kinuha ko sa kamay ni Ma'am ang marker at nagumpisa ng mag solve. Hindi ako ganon katalino pero hindi din ako bobo pag dating sa solving. Patern lang ang kailangan ko para ma-solve ang problemang ito. Tsk physics! Sino bang sira ulo ang nagsimula nito?

"Okay na po ba?" Tanong ko ng matapos kong i-solve ang problem.

"Yes. But explain your answer" Sabe ni Mrs. Brenda.

"What? Nag solve na po ako. Bakit kailangan ko pang mag explain?" Inis kong tanong.

"Kase nga hindi ka nakikinig" Sabe nya. Nagtiim ang bagang ko. Nakakainis! Napatingin ako sa pwesto ni Claire at nakita kong nakikipag daldalan sya kay Jack.

"Bakit hindi po si Ashton ang mag explain? Tutal nakikipag daldalan po sya kay Jack" Malamig kong sabe. Napatingin si Ma'am sa dalawa na ngayon ay naka ngiti pareho. Nakakainis ang muka nya!

"Ms. Ashton!" Napatigil sila at napatingin sa harap. Tumayo sya habang naka tingin sa teacher namin.

"P-po?" Tanong nya.

"Dito ka sa unahan at ipaliwanag mo ang sagot ni Allan. Bilis" Sabe ni Mrs. Brenda. Naka tingin sya sa akin habang palapit dito sa unahan.

"Umupo kana Allan" Sabe ni Ma'am. Nagmadali akong umalis sa unahan para mabunggo ko sya.

"Aray" Mahina nyang sabe. Nag smirk ako at hindi sya pinansin. Habang nagpapaliwanag sya ng sinagutan kong problem sa board eh kinulbit ako ni Colleen na katabi ko.

"Ang galing mo" Sabe nya. Ngumiti lang ako sa kanya at palihim na nakipag usap. I am Allan Villanueva! Macho na gwapo pa! Saan ka pa. Matagal ko ng kaibigan sila Xander kaya naman parang kapatid na ang turing ko sa kanila.

Maraming nagsasabing playboy kaming apat kahit na si Shaun at Travis lang yon! Minsan si Xander din. Pero ako? Never! Dahil naiinis ako sa mga babae. Ayokong napapaligiran ako lalo na ng malalandi.

"Ano mainit pa din ang ulo mo?" Tanong ni Shaun. Nandito kami sa leisure at kumakain.

"Ewan ko sayo" Sabe ko.

"Hahahaha hindi mo lang matanggap na nasampal ka" Sabe nya. Susuntukin ko na sana sya pero hinawakan ako sa tenga ni Xander.

"Subukan nyong mag suntukan sa harap ko, parehas kayong matutulog" Seryoso nyang sabe. Umayos ako ng upo at pinagpatuloy ang pagkain ko. Naka ngisi lang yung dalawa kaya ang sarap upakan.

Claire's Pov*

Naglalakad ako palabas ng school at papunta na sa sakayan ng taxi. Hindi naman kasi kami sabay sabay umuwi palagi kaya mag isa ako. Mags-six na ng gabi kaya medyo madilim na.

*beep beep*

Napatalon ako sa gulat dahil sa malakas na busina sa likod ko. Isang luxury car ang nasa harap ko ngayon. Matutuwa na sana ako sa nakita ko pero biglang lumitaw ang ulo ng driver ng kotse kaya napasimangot ako.

"Wag ka ngang humarang sa daan!" Sigaw nya. Tinignan ko sya ng masama.

"Eh ano bang pa-" Bago pa ako makapag salita pinaharurot nya na ang sasakyan kaya naiwan ako sa aking pwesto.

"Bwuisit ka talaga Villanueva!" Sigaw ko kahit hindi nya na naman narinig. Umupo ako sa pinaka malapit na bench dito at napabuntong hininga.

"Bwuisit na lalake yon! Aatakihin ako sa puso" Sabe ko sabay hawak sa aking dibdib. Mabilis pa din ang tibok ng puso ko dahil sa gulat.

"Karmahin sana sya bwuisit!" Sakto ang pag buhos ng malakas na ulan pagkasabe ko non. Wow ako pa ata ang kinarma ah. Agad akong tumayo at tumakbo sa pinaka malapit na masisilungan.

"Wooh ang ganda ng araw ko sobra! Grabe!" Sarcastic kong sigaw sa kawalan. Humanda ka sa akin unggoy!

*****************************
A/n: Ahihihi kawawa si Allan nasampal ni Claire. Vote and comment.




Four Nerds turns into BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon