Zea's Pov*
"Charry mamimiss kita! Balik ka dito ha pag bakasyon kayo okay?" Niyakap ako ni Nana kaya niyakap ko sya pabalik. Nandito kame sa airport ngayon kasama ko si Nana pati yung mga body guard at ang pinsan kong si Audrey.
"Promise Nana, babalik ako dito!" Sabe ko.
"Sya...sya sige na baka mahuli ka sa flight mo!" Sabe nya.
"Bye Aud, mamimiss kita! Bantayan mo si Nana ha?" Sabe ko at niyakap ko sya.
"Sure couz! Si Nana pa. Eh ako lang naman ang kasama nito palagi!" Sabe nya. Nang tawagin na yung flight ko nagpaalam nako kila Nana. Pero bago ako tuluyang makalayo tinignan ko ulit sila and I waved goodbye.
Nandito na ako sa loob ng eroplano hays ang boring pag mag isa lang. Ang tagal pa naman ng flight na to! By the way let me tell you a scary story.
Flashback...
Nakaupo kame dito sa gilid habang may nakanta at nasayaw sa stage! Grabe ganito pala yung feeling pag nasa party ka! And hindi pa din ako makapaniwala na nanalo ako.
"Girls punta lang muna ako sa CR. I'll be back!" Paalam ko dun sa tatlo. Nang makarating ako ng CR pumasok ako sa cubicle at ginawa na ang dapat kong gawin. Nang matapos lumabas ako at naghugas ng kamay. Habang naghuhugas biglang may humila sa akin.
"I told you I'll get my revenge!" Sabe ni Hannah.
"H-hannah n-naman please tigilan mo na ako!" Sabe ko sa kanya. More like begging her to stop this madness.
"Girls!" Tawag nya dun sa mga kasama nya. Lumapit sila sa akin at pinagtulungan ako. May humihila sa buhok ko! May sumasampal at sumisipa sa akin! At higit sa lahat may sumisira sa damit ko!
"T-tama na!" Pagmamakaawa ko. Napapikit ako ng mariin habang dinadamdam yung sakit.
"Ze-ZEA!" Biglang may sumigaw.
"Anong ginagawa nyo sa kaibigan namin ha!" Sigaw nung isa. I bet that's Kylie.
"Ang sasama nyo!" At yun nagkagulo silang lahat dito sa loob ng banyo habang ako naka yakap sa mga binti ko at iyak ng iyak.
"DAMN YOU! DIE!" Sigaw ni Hannah. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa marinig ko ang lagabag ng pinto. Para ngang nawasak pa eh.
"What the hell are you do...Fuck! What's going on here?" Boses yon ng lalake.
"Hannah! What the hell!" Sigaw nung isa pang lalake. Pamilyar yung mga boses nila.
May humawak sa braso ko kaya napaiyak ako lalo.
"Please do-don't h-hurt m-me!" Iyak ako ng iyak at umisod ako para makalayo sa kanya.
"Shh...I won't hurt you...come here!" Hindi ko alam kung paano? At bakit pero lumapit ako sa kanya. Niyakap nya ako ng mahigpit at sinabing...
"No one will hurt you as long as I'm right here...b-beside y-you!" He said. Mas lalo akong napahagulgol ng iyak. Why are you doing this Xander? Dahil ba naaawa ka lang sa akin?
"Shaun ilabas mo na yang pinsan mo dito bago ko pa sya masaktan!" Sabe ni Xander.
"What! I can't believe you Xander!" Sigaw ni Hannah.
"Just get the hell out of here woman!" Sigaw ni Xander kaya mas lalo akong naiyak. Nakakatakot syang magalit. Naramdaman kong may pinatong sya sa akin.
"Wear that and don't you dare to remove it!" Sabe nya. Dapat ba akong matuwa? O dapat ba akong magalit? Mixed emotions na ang nararamdaman ko.
"Are you alright Zea?" Tinignan ako ni Paula. Nakita kong may sugat sya sa braso kaya napatingin ako sa kanya at umiling. Siguro muka akong na rape! Sira sira yung damit ko dahil sa paghila nila at yung buhok ko gulo gulo dahil sa pagsabunot nila.
BINABASA MO ANG
Four Nerds turns into Beauties
Teen FictionNerd! Ugly Nerd!! Stupid Nerd!!! Iba't ibang tawag sa apat na magkakaibigan. Pero ng maayusan, lahat sila kinainggitan. I dedicate this story to those people who was called 'NERD' before. Coz' I want you to know that beauty only attracts the eyes, b...