Chapter 12

11.7K 400 7
                                    

Paula's Pov*

Saturday ngayon kaya papunta kami sa mansion ni Lola sa Batangas. Ang layo ng biyahe kaya naiinip ako. Kinuha ko ang aking phone at tinignan ang Facebook ko.

"Hey dala mo ba yung earphone mo?" Tanong sa akin ni ate. Tumango ako sa kanya.

"Peram naman ako. I can't sleep eh" Sabe nya. Manang mana talaga ako sa kanya kase pag hindi ako makatulog nakikinig ako sa music. Binigay ko sa kanya ang earphone ko at binaling ang aking atensyon sa phone. Tinignan ko yung mga friend requests at napatitig ako sa pangalang napansin ko.

"Shaun Mendez?" It's familiar to me. Tinignan ko yung profile nya. Nakatalikod kase yung tao sa profile picture kaya kailangan ko pang i-stalk ng kaunti. Pagkakita ko sa mga photos nanlaki ang mga mata ko.

"Holy crap" Pabulong kong sabe. Si Shaun! Yung kaklase ko? Should I accept his request or not? Aish! Pinindot ko yung 'accept'.

Sa totoo lang ngayon ko lang napansin na sobrang gwapo nya pala talaga. Sa tingin ko nga may gusto sa kanya si Zea kase palaging nauutal ang babaeng yon pag kaharap nya si Shaun. But I heard he is a womanizer. And may nagsasabe din na underground fighters ang apat na yon kaya siguro madaming takot sa kanila.

"Lola" Sabe ko. Kakadating lang namin dito sa mansion at sinalubong kami ng aking Lola.

"Paula apo" Niyakap nya ako. Ang sakit sa pwet ng biyahe. Humalik ako sa kanyang pisnge.

"Paula!" Nakita ko yung mga pinsan kong babae. Nginitian ko lang sila.

"Si Fern?" Tanong ko.

"Nako nandun sa kwarto nagpapaganda" Sagot ni Stella.

"I told you to use a contact lenses instead of eyeglass. Why are you still wearing that?" Tanong ni Keana sabay turo sa salamin ko.

"Oo nga. Ang nerdy mo tignan" Sabe naman si Jean.

"Kayo talaga! Okay naman yung itsura ni Paula ah" Pagt-tanggol sa akin ni Stella.

"Oh thank you" Tumawa ako. Hinarap nya ako at pinagmasdan.

"Kaso medyo...uhm parang ang baduy mo tignan. Bakit kase pang Betty yang salamin mo? Hahaha kulang nalang magbrace ka tapos magkatigyawat ng marame tsaka kumapal yang kilay mo hahaha" Tumaas ang kilay ko.

"Alam mo okay na sana kanina eh. Kaso nanlait ka din" Nagtawanan kaming apat.

"Pero hindi naman malabo ang mata mo diba? Baka magkaron ng effect yang salamin sa mata mo" Sabe ni Jean.

"Oo. Ang layo kase ng upuan ko kaya minsan hindi ko mabasa yung naka sulat sa board" Sabe ko.

"Ahh. Pero couz wag kana mag salamin hindi talaga bagay sayo" Sabe ni Keana.

"Oo na!" Sabe ko.

Kylie's Pov*

"Senyorita tawag ka po ng Mama mo" Tinignan ko si Lily.

"Bakit daw?" Tanong ko.

"Hindi nya po sinabe basta pinapatawag nya lang po kayo sa akin" Sabe nya.

"Okay. And please don't call me senyorita. Ayokong tinatawag ako ng ganon" Malamig kong sabe.

"O-okay po" Sabe nya.

Sinara ko ang librong binabasa ko at humalukipkip. Tumayo ako at bumaba. Naabutan kong umiinom ng tsaa si Mom sa living room.

"Why did you call me?" Tanong ko. Padabog akong umupo sa sofa at tinignan sya. Malamig. Malamig ang tono ng boses ko kaya hindi ko maiwasan na maging cold sa harap nilang lahat. I'm not vocal to anyone. I don't use my voice to express my feelings.

Four Nerds turns into BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon