Chapter 33

9.8K 409 4
                                    

Xander's Pov*

Nakatulog na si Zea habang yakap yung bata. Kinuhanan ko sila ng litrato. Medyo hawig nya yung bata pero alam ko namang nagkataon lang yon. Isang oras na ang lumipas at tulog din yung mga kaibigan ko dito pati kaibigan ni Zea. Sila Shaun kanya kanya ng pwesto sa sofa habang yung mga babae naman naglatag ng folding bed sa sahig. Ayos din eh ginawa nilang camping ang pagbabantay kay Zea.

Knock knock...

Napatingin ako sa pinto dahil may kumatok. Hinantay kong pumasok pero limang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin sya napasok at kumakatok lang. Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan yon ng dahan dahan. Bumungad sa akin ang isang nurse. I don't know 35 na ata sya I guess?

"Ahh hello may itatanong lang sana ako" Sabe nya.

"Let me guess you're looking for a little girl? 3 years old right?" Inunahan ko na sya.

"Opo sir! Nandito pa po ba si Maggie?"

"Yeah she's asleep. Come in!" Sabe ko. Dahan dahan naman syang pumasok sinara ko yung pinto. Naglakad ako palapit kay Zea. Tulog pa din silang dalawa kaya hinarap ko yung babae.

"What's your name Ma'am?" Tanong ko.

"Via po sir. Nako mukang tulog na tulog si Maggie paano na to?" Sabe nya ng makita ang bata.

"So Maggie ang name nya. Asan ang parents nya? At bakit sya mag isa kanina?" Tanong ko ulit. Well gusto ko lang malaman yung details about this child! For god's sake napabayaan sya kanina! Paano nalang kung ibang tao yung nakakuha sa kanya tapos masamang tao pa? Tssss...

"Ah sir sa totoo lang po...hays...ulila na po ang batang yan!" Malungkot na sabe ni Via. Napatingin ako kay Maggie na mahimbing na natutulog habang yakap yakap si Zea.

"Oh I'm sorry" yun nalang ang nasabe ko.

"Nako okay lang po sir. Pero sa totoo lang hinahanap nya yung Mommy at Daddy nya tapos kanina bigla syang tumakbo. Hindi ko alam kung bakit" sabe nya ulit.

"How did they died?" Tanong ko.

"Uhh ano po kase eh...gabi po yun pauwi na po yung parents ni Maggie tapos nagmamadali ata sila gawa ng bata may sakit kase sya that time. Tapos traffic po kaya napilitang magshort cut yung Daddy nya eh dun sila napadaan sa madilim at delikadong lugar. Sabe po ng mga pulis pati nung mga nagimbistiga may mga lalaking humarang sa kanila at tinangkang nakawin yung kotse pero imbis na pumayag yung Daddy ni Maggie nanlaban po ito at nabaril sa dibdib tapos yung Mommy po nya binaril din siguro para po hindi makapagsumbong. Last month lang po nangyari yung trahedya eh wala pa naman pong masyadong alam yung bata!" Kwinento nya yung nangyari sa parents ni Maggie.

"Eh yung grandparents nya?" Tanong ko.

"Yung Lolo at Lola po nya sa Mommy nya tinakwil sila kase po bata pa yung parents nya ng mabuntis yung Mommy nya. Tapos yung sa Daddy nya naman po nasa ibang bansa yung magulang eh hindi nga man lang pumunta sa libing ng anak nila eh. Nako sir awang awa nga po ako sa batang yan eh. Wala na po talagang magaalaga sa kanya ulilang ulila na. Hindi ko naman po kayang buhayin yan kase family nurse nya lang ako" sabe nito.

Naawa ako at the same time nalulungkot. Grabe three years old palang at walang ka alam alam sa mundo naulila dahil sa mga walang kwentang tao! I know masama akong tao pero may mas sasama pa pala sa akin. Inosenteng bata sya at wala ng magaalaga sa kanya. Napabuntong hininga nalang ako at dahan dahan ginising si Zea.

"Zea wake up!" Hinawakan ko naman yung muka nya at hinimas iyon ng marahan.

"Wake up sleepy head" gumalaw naman sya at dahang dahang minulat ang mata nya.

Four Nerds turns into BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon