Zea's Pov*
"Uy anong ginagawa mo?" Tanong sa akin ni Claire.
"Ah wala tinitignan ko lang tong picture ni Sh-" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko eh kinuha nya na ang phone ko.
"Si Shaun to ah. Kailan ka pa nya naging stalker?" Tinignan ko kase yung account nya sa Facebook. Wala namang masama kung tignan ko yon. Crush ko kasi sya.
"Stalker agad? Hindi ba pwedeng tinignan ko lang. Ang stalker eh yung alam ang lahat tungkol dun sa tao tapos yung tipong kahit old pictures mo sa Facebook nakita nila tapos ni-like pa" Sabe ko.
"Dami mo namang alam hahahaha" Sabe nya sabay tawa.
"Bakit ikaw din naman ah. Nakita kitang tinignan yung profile ni Allan" Sabe ni Kylie.
"Hoy hindi ah!" Halos pasigaw na sabe ni Claire.
"Sus hindi daw. Kaya pala may naka save na picture nya sa gallery mo hahahaha" Sabe ni Paula. Nanlaki ang mga mata ni Claire kaya natawa kaming tatlo.
"Napaka mo talaga, Pau" Nagpout si Claire. Nandito kami ngayon sa soccer field at naka upo sa stone bench. Ang presko dito dahil sa ilalim ng puno kami naka pwesto.
"Ikaw pala yung stalker sa atin eh ahahahaha" Sabe ko. Nag asaran kaming apat hanggang sa mag time na.
Paula's Pov*
Naglalakad ako papunta sa CR. Pinauna ko na yung tatlo sa room kaya eto ako at mag isa. May dalawang babae ang naka harap sa salamin at naglalagay ng lipstick. Pumasok ako sa cubicle at ginawa ang dapat kong gawin. Naiwan ko pa yung salamin ko sa bahay kaya hirap ako na makita yung sulat sa whiteboard kanina. Nang makalabas ako sa cubicle nag hugas ako ng kamay at inayos ang buhok kong medyo mahaba na.
"Paula? Uy ang ganda mo ah haha bagay talaga sayo pag wala kang salamin na suot" Nakita ko si Melanie. Yung classmate ko last year sa second section.
"Ikaw talaga. Bolera ka pa din" Sabe ko.
"Hindi ah. Totoo kaya! Wag kana kasing magsalamin" Sabe nya. Tumawa nalang ako at nagpaalam na mauuna na. Pabalik na ako ng room ngayon kaya naman lumiko ako.
"Aray!" Nabunggo ako nung lalaking patakbong bumababa sa hagdan kaya naman napaatras ako at natalisod. Muntik na akong bumagsak buti nalang nahawakan agad ako sa likod nitong lalake.
"Oops sorry miss" Sabe nya. Pag tingin ko sa muka nya eh napalunok ako ng bahagya. Tumayo ako ng ayos at lumayo sa kanya dahil sobrang lapit namin sa isa't isa.
"Oh ikaw pala. Sorry ha nagmamadali kasi ako" Sabe nya. Nagkamot pa sya sa batok habang naka ngiti sa akin. Hindi ko alam pero uminit ang pisngi ko dahil sa pag ngiti nya.
"SHAUN BUMALIK KA DITO!" Sabay kaming napatingin sa taas ng hagdan at nakita ko doon si Xander pati yung dalawa pa nilang kaibigan.
"Sorry ulit. I gotta go bye" Bigla syang kumaripas ng takbo kaya naiwan akong naka tulala. Anong problema ng lalaking yon? Napatingin ako dun sa tatlo.
"Gagong yon. Talagang tumakas na naman" Dinig kong sabe ni Xander. Nilagpasan ko nalang sila at nagtungo na sa room.
Shaun's Pov*
"Buti naman dumating ka" Sabe ni kuya Stan.
"Where is Anie?" Tanong ko.
"Nanjan sa loob. Tulog na ata tinurukan kanina ni Dana eh" Sabe nya.
"Teka bakit ka nandito sa labas? Sinong kasama mo?" Tanong ko.
"Gusto ko lang. Nasa loob pa si Dana tsaka si Mama" Sagot nya. Tumango ako sa kanya at pumasok na sa loob.
BINABASA MO ANG
Four Nerds turns into Beauties
Teen FictionNerd! Ugly Nerd!! Stupid Nerd!!! Iba't ibang tawag sa apat na magkakaibigan. Pero ng maayusan, lahat sila kinainggitan. I dedicate this story to those people who was called 'NERD' before. Coz' I want you to know that beauty only attracts the eyes, b...