Paula's Pov*
Nakasilip kame dito sa may pinto at pinapakinggan magsigawan yung dalawa. Hahaha ewan ko ba dito kay Xander bigla nalang nagalit nung nakita si Zea. If I know nagagandahan lang sya sa kaibigan ko!
Nang papasok na sila nagsibalikan kame sa pwesto namin at nagkunwaring hindi sila pinapansin. Nakabusangot sila pareho at isang pitik mo lang magaalburoto na sa inis.
"Uy Paula pasuyo naman ng gunting!" Sabe ni Juvy kaya inabot ko naman sa kanya yung gunting.
"Salamat!" Sabe nya at tumango lang ako. Nag gugupit ako ng heart shape sa construction paper na color red ng biglang tumabi sa akin si Zea.
"Oh? Problema mo? Nakasimangot ka jan?" Tanong ko.
"Eh kasi naman nakakainis si Xander James. Nagagalit sakin purkit ganito daw suot ko!" At nagpout pa ang luka. "Ah pag galit buong pangalan? Iba ka din eh no! Hindi mo ba narinig yung sinabe nya kanina? Sa kanya ka lang daw hahaha" Sabe ko.
"Aa to! Sige pagtulungan nyo akong tatlo! Akala ko pa naman hindi ka magrereact ng ganyan katulad nung dalawa! Hmp!" At ayun padabog syang umalis sa harap ko. Tsk tsk moody girl!
Zea's POV
Buset! Buset talaga! Ano bang problema sa suot ko? Sabihin nyo nga revealing na ba ang magpakita ng balikat? Hindi naman diba! Nagaayos ako ng table ng may kumulbit sa akin paglingon ko isang asungot pala!
"Ano?" Inis kong tanong pero nanatili syang walang imik kaya bumalik nako sa ginagawa ko. Mayamaya may kumulbit ulit sakin at pag harap ko sya ulit.
"Ano nga?" Inis na inis nako sa kanya kanina pa sya! Nako nako nako makakapatay talaga ako ng gwapong nilalang! And again tahimik lang sya nakatingin sa akin habang nakapamulsa. Inis na inis akong bumalik sa pag aayos ng table dito sa unahan ng kinulbit nya ulit ako. Okay he really pissed me off this time!
"ANO BANG PROBLEMA MO XA-" nanlaki ang mata ko ng makita ko ang adviser ko sa likod ko na nakataas ang kilay at nakapamewang sa akin.
"Ms. Villarel, why on earth are you yelling at me?" She asked.
"So-sorry Ma'am I thought you're someone else! I'm really sorry!" Sabe ko at napakamot sa ulo. Pahiya ako dun shit! Nakita ko naman nagtawanan sila Paula dun sa pwesto nila habang umiiling na nakatingin sa akin kaya sinamaan ko sila ng tingin.
"Okay. By the way I want you to buy some yema wrapper" She said.
"Bakit po para saan?" Tanong ko.
"Ilalagay sa mga ilaw para maganda. Yung kulay blue or red or whatsoever basta yung babagay sa booth natin" Tumango nalang ako sa kanya.
"Opo Ma'am!" Sabe ko.
"May natira pa naman sa pondo diba dun ka nalang kumuha ng pambili!" Sabe nya at tumango ulit ako. Pagkaalis ni Ma'am nagpaalam ako kila Alvin dahil sila yung katulong ko sa pagaayos at pagdedesign ng table. Nagpapasama ako kila Paula kaso ayaw nila tinatamad daw silang lumabas! Ugh eh sino namang isasama ko? Ayokong magcommute noh!
"Dali na kase Paula, samahan nyo na ako!" Nagpapadyak ako at nagpout.
"Alam mo Zea kesa magmaktol ka jan umalis kana para makabalik ka kaagad! Ang dami naming ginagawa! Kay Xander ka magpasama!" Sabe ni Kylie na busy sa pag aayos nung curtain para sa photo booth dito sa loob habang si Claire naman nilalagyan ng letters at heart yung red curtain.
"Aish! Mabilis lang naman tayo eh! Dali na!" Sabe ko.
"Busy nga kame!" Sabay sabay nilang sabe. Dahil sa inis ko lumabas ako ng room dahil hindi ako tumitingin sa daan ayan tuloy nabangga ako sa matigas na bagay.
BINABASA MO ANG
Four Nerds turns into Beauties
Teen FictionNerd! Ugly Nerd!! Stupid Nerd!!! Iba't ibang tawag sa apat na magkakaibigan. Pero ng maayusan, lahat sila kinainggitan. I dedicate this story to those people who was called 'NERD' before. Coz' I want you to know that beauty only attracts the eyes, b...